Chapter 38:Getting to know Zandro

1.5K 34 2
                                    

Chapter 38:Getting to know Zandro

Arian's POV

I know that Erin is undergoing a lot of thinking this time, sino ba naman ang hindi mag iisp sa mga sinabi ko? Well mas mainam na malaman niya ngayon isa isa dahil mas hindi niya kakayanin kung bigla na lang sabihin sa kanya lahat baka magka nervous breakdown siya lol.

Bumalik kami sa cottage dahil nagsisimula na silang kumain, nasa kabilang cottage naman ang kina Fabio kaya hindi malalaman ng mga kasama ko kung ano ang nangyari sa kanila, damn I even risk my kiss mapatumba ko lang ang mga manyak na yun eehhckk!

"Oh Arian ba't ngayon lang kayo? Tara kain na."sabi ni Eva.

"Ah may inasikaso lang ako."

"Inasikaso?"Syl.

"Wala masyado lang kasing mabagal magbihis ni Erin."kinindatan ko si Erin.

"Erin here."lumapit si Jin kay Erin at binigay ang paper plate, ahww so sweet, at last naka suot na ng beach short si Jin pero naka topless padin.

"Arian para sayo."napatingin naman ako sa kanya, tinaasan ko ng kilay si Zandro nang makita kong inabot niya sakin ang paper plate.

"Thanks."walang gana kong sabi saka tinanggap ko ang binigay niya.

"Ang taray mo ata Arian."

"Wala ka nang paki dun."hindi ko alam pero para sakin masyadong presko itong si Zandro, nayayabangan ako sa kanya.

"Oh come on hindi ka parin ba nakaka move sa nangyari kanina? Okay fine sorry kasalanan ko kasi tanga ako."psshh! Lalo lang akong nainis sa lalaking ito.

"Did I say na kailangan mong mag apologize? What a jerk."umiling na lang ako saka kumuha ng pagkain, gutom lang ata to kaya nagkakatoyo ang utak ko ngayon.

Umupo ako at nagsimula na akong kumain, tama nga ako gutom nga talaga ako sa ginawa ko ba naman kanina eh nauubusan na ako ng energy, totoo nga ang sinasabi nila na food is life, kahit hindi ako lumingon ay alam kong tumabi si Zandro sakin habang busy naman ako sa kakalamon at kahit na hindi ko siya tignan ay alam kong tinititigan niya ako.

Lalo akong na dismaya dahil sa ginawa niya kaya nawalan na ako ng ganang kumain, tumayo ako at uminom ng tubig saka nagpaalam sa kanila.

"San ka pupunta?"Erin.

"Ah maglilibot lang ako medyo polluted kasi eh."tumingin ako kay Zandro.

"Sige."umalis na ako, wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng Zandro na yon.

Lumayo ako sa kanila para makalanghap ako ng hangin na nanggagaling sa dagat, pag nandoon kasi yung Zandro na yun eh parang tumutuyo yung lungs ko. Naisipan kong mag selfie para ipost ko sa IG nang biglang sumulpot si Zandro.

"Can I join?"oh great sinira niya tuloy ang mood ko na mag selfie.

"Why are you here? Panira ka naman ng moment eh."reklamo ko saka inikot ko ang mata ko.

"Bakit ka ba galit sakin? Nang dahil lang sa nagkabanggaan tayo kanina eh susungitan mo na ako."

"Duhh hindi ako ganon kababaw para magalit sayo, parang poisonous air ka, masyado kang toxic."

"Sandali kung hindi dahil doon sa nangyari satin kanina eh ano nga? Hindi kaya crush mo ako."

Mabilis akong tumingin sa kanya na parang may nasabing hindi maganda, well actually hindi talaga maganda ang mag self-proclaim.

"What!? Ikaw crush ko? Ahahahahahaha !!"tumawa ako ng malakas na parang wala nang bukas.

"Are you dreaming? You're may be handsome yes pero duhh! Hindi kita crush no mahiya ka naman."

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon