Chapter 36:Outing
Nagising si Erin dahil sa mga sunod sunod na pagkatok sa pintuan ng kanyang kwarto kaya naman ay humikab at nag unat muna siya bago bumangon.
"Teka lang!"lumapit si Erin sa pintuan saka binuksan ito.
"What?"
"Sir pinapagising po kayo ni Sir Antonio nandito po kasi ang pinsan niyo."giit ng maid.
"O-oh sige sige bababa na ako."tumingin si Erin sa orasan, alas otso na pala ng umaga, medyo tinanghali ata siya ng gising kaya pinilit na niya na alalahanin kung ano ang nangyari sa kanya kagabi.
Bigla na lang nag sink in kay Erin ang ginawa niyang pag inom kagabi pati na rin ang tungkol ni Darrion, bumaba na si Erin at nakita niya si Seth.
"O Seth maaga ka ata and what an earth are you wearing? Pupunta ka ba sa beach?"tanong niya nang makita niyang nakapang summer attire si Seth.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo eh, ano pa ang ginagawa mo? Dressed up nakalimutan mo ata na puro seniors ang nanalo kagabi kaya may outing tayo and congratulations to you dahil ikaw ang nag uwi ng brightest smile award kagabi."
"Do I?"
"O-oh right I almost forgot, lasing ka pala kagabi."tumawa na may halong pang iinisi kay Erin.
"Hehehe."Erin imitated Seth's laugh"tumigil ka nga dyan tsaka masyadong maaga para mag beach tayo."
"Nako ikaw pa nga ang pinaka excited kagabi nang i-announce nila na may outing tayo."
"Talaga?"tumingin sa taas si Erin na parang nag iisip.
"Hindi ko matandaan."
"Because you're drunk hello? Ano pa ang hinihintay mo? Magbihis ka na."
"Okay okay! Maliligo lang muna ako."umakyat muli si Erin sa kanyang kwarto para maligo at maghanda.
Habang nasa shower si Erin ay muli niyang sinariwa ang alala kagabi bago pa siya nalasing, dahil sa ginawa ni Darrion ay parang ayaw na niya itong makita, because of Elise's revelation ay nagbago na ang pagtingin niya dito, hindi na siya ang Darrion na kilala ni Erin dahil sa paglilihim nito sa kanya sa tunay niyang pagkatao, hindi sa nagmamalinis si Erin pero magkaiba ang sitwasyon nilang dalawa lalo na at alam na ni Darrion na anak siya ni Antonio there's a difference ika nga.
Matapos niyang magbihis ay nagbaob siya ng mga damit dahil alam niyang maliligo parin siya sa beach pagkatapos ay bumaba na siya.
"Nay alis na po ako."pinuntahan niya ang ina niya sa kusina.
"Aalis bakit saan ka pupunta? Tsaka may tatanungin pa sana ako sayo anak."
"Mag outing po kasi kami alam na ito ni Tatay yung mga tanong niyo naman pagbalik ko na lang po alam ko naman kung ano ang mga itatanong niyo sakin eh."deretsong sagot ni Erin.
"Sige basta kakausapin kita pag uwi mo mag iingat kayo."
Nagpaalam na sila at umalis, sasabay na lang siya kay Seth.
"So how does it feel to get drunk?"tanong ni Seth habang nagmamaneho.
"Pwede ba Seth tigil tigilan mo muna ako sumasakit ang ulo ko sayo eh."
"Ikaw naman kasi naglalasing ka eh hindi mo man lang ako sinabihan eh di sana sinamahan kita."
"Seryoso ka ba o pinagti-tripan mo lang ako?"
"Ano ka ba hindi naman, masyado mo lang kasi ako pinahanga at nagkaayos na sina Elise at Teo in fairness ah pwede ka nang maging marriage counselor."
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Teen FictionErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
