Chapter 16:Valentine plan

2.3K 58 1
                                    

Chapter 16:Valentine plan

Erin's POV

Panay ang kagat ko sa hinlalaki ko habang nasa library ako,hindi kasi ako mapakali sa room kaya dito ako dumestino muna tahimik kasi. Kung ano ano na lang ang libro na kinukuha at binabasa ko pero balisa parin ako at pilit na sumisiksik si Darrion sa isip ko,parang nakagawa ako ng krimen sa sitwasyon ko ngayon.

This time parang ako ang may kasalanan sa kanya,hindi ko naman hiniling na mahulog sakin si Darrion,ano ba ang nakita niya sakin at ganito na lang ang naging pagsasama namin ni Darrion? Mababaliw ata ako sa kakaisip sa lalaking yon. I'm really sorry but I don't feel the same way like you did.

Hanggang sa mapukaw ang pandinig ko sa mga grupo ng babae na mahinang nag uusap. Tahimik kasi dito sa library kaya naririnig ko ang usapan nila.

"Girls ilang weeks na lang at malapit na ang Valentine's Day may date na ba kayo?"

"Hindi ko na kailangang mag alala sa date dahil meron na ako."

Valentine's Day? Ay Oo nga pala isa pala ang Valentines sa sine-celebrate dito sa Del Mundo High hindi ko naman kailangang pumunta baka malunod lang ako sa mga kalandian nila.

Kahit ba naman dito sa library eh may toxic parin my gosh mabuti pa siguro na umalis na lang ako dito. Tumingin ako sa orasan,malapit na pala ang uwian hindi na kasi ako makapaghintay na matulog dahil day off ko bukas makaka uwi na rin ako sa wakas.

Paglabas ko ng library ay nakasalubong ko si Darrion. Mag iiba sana ako ng direksyon ng paglakad pero agad niya akong hinarangan.

"Erin please mag usap naman tayo oh."

"Pasensya ka na talaga Darrion pero hindi ko pa kasi kayang makipag usap sayo sige mauna na ako."hindi ko siya nagawang lampasan dahil hinawakan niya ako.

"Sandali dahil ba ito sa pagtatapat ko sayo? Natatakot ka ba na ireject ako?"

"Oo yan nga ang dahilan"binawi ko na ang kamay ko.

"Pero sana unawain mo ako Darrion kaibigan lang talaga ang turing ko sayo natatakot akong sabihin sayo na wala akong nararamdaman para sayo kasi baka lumayo ka samin ni Lina."

"Sa tingin mo ganyan akong tao Erin? Hindi naman kita minamadali dahil alam kong hindi natuturuan ang puso pero hayaan mo naman ako sa gusto ko."

"That is precisely my point! What if I don't really feel the same like you did? Hindi ako ang klaseng tao na nagapapaasa Darrion."

"Alam ko yun pero susubukan ko parin na suyuin ka dahil hindi ako nawawalan ng pag asa na magkakaroon ka rin ng feelings para sakin."nanggigigil ako sayo!

"Goodbye Darrion I'll talk to you again."tumalikod na ako.

"Remember Erin,hindi ako susuko,hindi kita susukuan."pahabol niya sakin.

Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi na ako lumingon pa,mahirap na baka masaktan pa ako.

Habang naglalakad ako at inaayos ko ang mga gamit ko dahil kakagaling ko lang sa library eh medyo kalat ito dagdagan ka ng paghawak ni Darrion sa kamay ko,nakakainis! Nang may tumawag sakin.

"Erin!"nilingon ko ang paligid hanggang sa makita ko ang grupo ni Jin na tumambay sa sementong table pati upuan. Si Clyde pala ang tumawag sakin kaya lumapit ako.

"Sipag mo naman sigurado ako na magiging successful ka."Ace.

"Baliw hindi naman nababagot kasi ako kaya tumambay muna ako sa library,bakit pala?"pagsisinungaling ko.

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon