Chapter 39:Best or Worst Day?
Erin's POV
"San na kaya sina Zandro?"napatanong si Seth nang hindi pa bumabalik sina Arian, natapos na lang namin kainin ang mga pagkain ay wala pa silang dalawa.
"Well baka nag unwind lang silang dalawa."Eva.
"Erin kanina lang ba kayo nagkakakilala ni Arian?"tanong ni Jin sakin.
"Oo bakit pala?"
"Wala lang you seem so close to each other kanina kaya natanong ko baka matagal na kayong magkakakilala."
"Oo nga eh siguro dahil sa pareho kaming dalawa kaya nagkasundo kami agad."ito na lang ang sinabi ko kay Jin pero mas may iba pang rason kung bakit napalapit ako kay Arian.
"Siguro nga but it doesn't mean na hindi na ako nahihiwagaan na magkasundo kayo agad."
Ilang sandali pa ay dumating na si Arian pero hindi niya kasama si Zandro, napansin ko na medyo namumula ang mata niya, umiyak ba ito?
"O Arian nandito ka na pala san ka galing?"Clyde.
"A-ah doon naglibot libot lang."sabi niya saka suminghot na parang may sipon.
"Umiyak ka ba?"napatanong si Syl matapos niyang titigan ang namumulang mata ni Arian.
"H-ha? Hinde ano kasi, dahil kasi ito sa mga buhangin napuwing kasi ako."sabi niya, pero nararamdaman ko na hindi sa pagkapuwing namumula ang mata niya kundi umiyak talaga ito pero bakit?
Lumapit siya sa bag niya at kinuha ang tissue saka pinunasan ang mata niya.
"I don't think napuwing si Arian."bulong ko kay Jin.
"Ha? What do you mean?"
"I think umiyak talaga siya."
"Pero bakit? Ang saya saya niyo nga kanina eh, teka baka binalikan siya ng mga lalaki kanina....... Oh shit."nabasa ko na agad kung ano ang nasa isip ni Jin.
"No Jin it's not what you think."agad kong sabi. Sa ginawa ni Arian kanina sa mga lalaki eh malabong balikan siya ng mga ito baka natakot pa ang mga yon kay Arian.
"Then what might be the reason kung bakit siya umiiyak?"
"I don't know pero parang may problema ata siya."
"Siguro nga."tumingin ako kay Arian. Patuloy parin siyang nagpupunas ng luha, nang hindi na ako nakatiis ay lumapit ako sa kanya.
"Arian alam kong may mali, ano ba ang nangyari?"
"Wala to ano ka ba napuwing lang ako."
"Imposible naman na napuwing ka tapos hanggang ngayon eh tumutulo parin ang luha mo."
Tumingin siya sa paligid.
"Okay I give up pero wag natin to dito pag usapan."tumango ako.
"Tara doon tayo."tinuruaan ko ang malayong bahagi na lugar malayo sa cottage, pumunta kami doon at nag usap.
"So ano nga bakit ka umiiyak?"
Suminghot muna siya bago nagsalita.
"Do you ever experienced that you're being fooled by someone?"dahil sa tanong niya ay natandaan ko si Darrion. Parang ganon na nga in a way.
"Yeah naranasan ko na yan."
"Pero iba ito, yung lalaki kasing pinaglaruan ako...... Nandito siya."
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Fiksi RemajaErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
