Chapter 20:Settlement

2K 59 0
                                        

Chapter 20:Settlement

Masaya silang umuwi matapos nilang mag enjoy sa pamamasyal,hindi naman maalis ang ngiti sa labi ni Erin dahil takot na takot si Jin kanina habang nanonood sa sine.

"Grabe ka pala Jin matatakutin ka pala."giit ni Erin habang nasa loob sila ng kotse pauwi.

"Pano eh ngayon lang ako ulit nakanood ng horror."

"Ang cute mo pala kapag natatakot ka."

"Cute? Cute ba ako sa lagay na yon kanina?"

"You have no idea sana nakunan kita kanina ng picture para makita mo."

"Buti naman at hindi mo naisipan na kunan ako mukhang nakakahiya kasi eh."

Ilang sandali pa ng masayang pag uusap nila ay biglang nag ring ang cellphone ni Erin pero nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay wala ito sa phonebook pero sinagot na niya ito.

"Hello?"

"Hello Erin?"

"Yah sino to?"

"Ako ito anak."natigilan si Erin nang marinig ang boses ng kanyang ama. Ang masaya niyang mukha ay napalitan ng pagkaseryoso.

"Ano nanaman ang kailangan mo? At san mo naman nakuha ang number ko?"

"Nakuha ko ito sa kaibigan mo please Erin mag usap naman tayo anak."

"Ano pa ba ang dapat nating pag usapan malinaw naman ang sinabi ko sayo kahapon na ayaw kitang makita diba?"sa mga binitawang salita ni Erin ay napatingin sa kanya si Jin

"Anak utang na loob ayusin natin ito."

Napapikit si Erin saka kinuyom ang palad niya,alam niya na hindi siya tatantanan ng Tatay niya kahit na anong gawin niya.

"Maybe sa ibang araw na lang tayo mag usap wala pa ako sa mood,bye."binaba na ni Erin ang cellphone.

"Sino yung kausap mo?"

"Tatay ko hindi ata ako lulubayan nun."napailing si Erin.

"Hey I understand you Erin alam ko kung ano ang nagawa ng Dad mo pero parang sincere naman siguro ang Tatay mo na magkaayos kayo bakit hindi mo pagbigyan? Alam ko ang pakiramdam Erin dahil nung una inisip ko na mahirap makipag ayos kay Dad but when I talked to him naging magaan ang pakiramdam ko,kung nagawa mo akong ipakausap kay Dad then I think it's about time na ako naman ang mag convince sayo na makipag usap sa Tatay mo."

Tumingin si Erin kay Jin.

"I-I'll do it,thanks for giving me strength Jin."

"Bumabawi lang ako I should be the one to say thank you."

Tumingin sa cellphone si Erin,nagdadalawang isip pa siya na i dial ang numero ng kanyang ama pero dahil aa sinabi ni Jin ay tinawagan na niya ito,matapos ang pangatlong ring ay sumagot na ito.

"Hello anak buti naman tumawag ka."

"Fine mag usap tayo tonight."

"T-tonight? Oh sige sige ako na ang mag aayos ng pagkikita natin."sinabi ni Antonio ang lugar kung saan sila magkikita para makapag usap ng masinsinan.

"I'll see you tonight bye."

"Sandali Erin, uhmm salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon."

"Don't be so comfortable let's just see how our conversation will end."pinatay na ni Erin ang tawag.

"That's fast."

"Huh?"

"Wala sabi ko ang bilis naman ata ngayong gabi talaga kayo mag uusap?"

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon