Chapter 19:An unexpected Date

2.5K 44 2
                                        

Chapter 19:An unexpected Date

Matapos nilang umalis ng bahay ay wala paring kibo si Erin,nagsasalita lang ito kapag nagtatanong si Jin sa kanya,kahit na wala sa mood makipag usap si Erin ay napipilitan na lang ito na sagutin si Jin,kasalukuyang nagda-drive si Jin habang si Erin naman ay nasa tabi niya.

"Erin kanina ko pa napapansin parang wala ka sa mood."

"Pasensya ka na Jin ah medyo puyat kasi ako baka magmukha akong killjoy sa lakad mo."

"Lakad natin ito kung ano man yang problema mo maaayos din yan tsaka ngumiti ka naman kahit konti oh hindi kasi ako sanay na hindi ka nakangiti."

Sa sinabi ni Jin ay nabigla si Erin kaya napatingin ito sa kanya,Jin is getting weirder si Erin naman ngayon ang hindi sanay sa mga sinasabi at galaw ni Jin.

"What?"sabi ni Jin nang napansin niyang titig na titig si Erin sa kanya.

"Nothing masyado lang kasi akong naninibago sayo."

"Huh bakit hindi na ba pwede maging mabait si Jin Villaroma?"

"Hindi naman."ngumiti na si Erin.

"Let me guess,hindi ka naka breakfast?"

Umiling si Erin.

"Great daan tayo sa cafeteria."ipinarada ni Jin ang sasakyan saka lumabas sila.

Binuksan ni Jin ang pintuan ng cafeteria saka unang pinapasok si Erin pagkatapos ay siya.

"Sit here ako na ang bibili."tumango na lang si Erin bilang tugon.

Nang umupo si Erin ay tinukod niya ang mukha niya sa kamay saka tumingin sa labas,tumingin siya sa orasan niya saka niya lang napagtanto na 07:37 pa lang ng umaga kaya pala wala pang masyadong tao sa loob. Napatingin sa labas si Erin.

"Ba't ngayon pa? Hindi ka na lang sana nagpakita pa."giit ni Erin sa kanyang isip.

Parang mawawala sa katinuan si Erin dahil sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama,hindi niya inaasahan na hahantong sa ganitong sitwasyon pagkikita nila,parang muling nahiwa ang malalim na sugat na matagal na naghilom nang dumating ang kanyang ama,maayos na sana siya namumuhay pero nagambala ito dahil sa nangyari.

"Tulala ka nanaman."

Lumingon si Erin at nakita niya si Jin na bitbit ang tray ng pagkain at inumin.

"Kain ka na wag mo na muna kasing isipin ang problema mo."sabi ni Jin saka umupo ito.

"Kahit anong gawin ko kasi sumasagi talaga sa isip ko ang problema."

"Wag mo sanang mamasamain ah pero ano ba naging problema mo sa bahay niyo?"

Bumuntong hininga si Erin.

"Ayos lang kung ayaw mong sabihin."

"No it's fine. Remember the last time na sinabi ko sayo na iniwan ako ng Tatay ko?"

"Ah yeah what about that?"

"He has returned."

"O-oh don't you think it's a good thing?"

"Nah wala ka kasing alam."

"Then tell me I'll listen."

"Sigurado ka?"

Tumango si Jin. Inilahad ni Erin ang mga dahilan kung bakit sila iniwan ng kanyang ama,dahil sa narinig ni Jin ay mukhang nalungkot ito at nakita niya ang mga luhang namumuo sa mga mata ni Erin.

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon