Chapter 27:Confrontation
Pawisan si Erin matapos niyang tumulong sa pagbubuhat ng mga karton,kasalukuyang nasa L300 si Erin at naka upo habang pinapaypay ang sarili dahil sa init at pagod.
"Here."inabot ni Jin ang towel.
"Thanks."kinuha ni Erin ang towel at agad na pinunasan ang pawis.
"Sabi ko naman sayo eh wag ka nang tumulong tingnan mo pawisan at pagod ka."
"Ay ikaw naman worth it naman ang pagod ko no at least napasaya ko ang mga bata."
"Ikaw na lang hinihintay doon sa loob nagsimula na kasing buksan ang mga karton."
"Ganon ba? Oh sige tara na."
"Sandali."
Lumingon si Erin.
"Bakit?"
"Akin na yung towel"kinuha niya ang towel kay Erin"yung likuran mo basa"pinasok ni Jin ang towel sa likod ni Erin saka pinunas ang maraming pawis.
Nagulat at hindi naman agad nakagalaw si Erin,pano kasi eh pinunas ni Jin ang pawis niya sa likuran,parang Tatay naman ito si Jin kung umasta dahil bukod sa Nanay niya ay si Jin pa lang ang nakagawa sa kanya ng ganito.
"T-thanks Jin tara."sabi ni Erin matapos punasan ni Jin ang pawis niya.
Pagpasok nila ay nakita nilang dini-distribute na nina Seth at Clyde ang mga damit at laruan habang sina Noah at Ace ay hinahanda na ang mga pagkain para sa mga bata,lumapit naman si Erin kina Seth para tulungan ang mga ito medyo marami kasi ang mga bata.
"Tulungan ko na kayo."tumango si Seth sa kanya.
"Tulungan ko na din sina Ace."sabi naman ni Jin.
Bawat bata na binibigyan nina Erin ng mga damit at laruan ay ngiti ang kasabay nito,gumaan kasi ang pakiramdam niya dahil labis ang ngiti na pinapakita ng mga bata sa kanila.
"Thank you po."sabi ng isang bata nang bigyan ni Erin ng damit at laruan.
"You're welcome."sabi naman ni Erin saka hinawakan ang uli ng bata,parang nawala naman ang pagod ni Erin dahil sa mga bata.
"Wow it looks like you're into kids."Clyde.
"Hindi naman nakikita ko pang kasi sa kanila ang dating ako."balik ni Erin saka nginitian niya si Clyde.
Sa kabilang banda naman ay panay ang sulyap ni Jin kay Erin napansin naman ito nina Ace kaya nag isip ng mga ito na asarin ang kaibigan.
"Uy si Jin pasulyap sulyap kay Erin."panunudyo ni Noah.
"What? Shut up."pinagpatuloy na ni Jin ang paghahanda ng pagkain.
"Sus ayaw pang aminin tropa ka namin kaya alam namin ang mga titig na yan."Ace.
"Can you please just stop ipagpatuloy niyo na lang yang ginagawa niyo."
"Deny king ka talaga Jin."Noah.
Muli siyang tumingin kay Erin,lalong gumaan ang loob ni Jin habang pinagmamasdan si Erin na nakangiti pakiramdam niya eh nawala na ang pagod sa kanyang katawan,kakaiba talaga kapag nakangiti si Erin parang ayaw na niyang ibaling sa iba ang mata niga dahil para sa kanya hindi siya magsasawang titigan si Erin kahit gaano pa katagal. Napatingin naman si Erin sa kanya sabay ngiti bumawi naman si Jin,parang huminto ang lahat para sa kanya dahil nakaligtaan na niyang tulungan sina Ace.
"Sabi ko na nga ba iba talaga ang tama mo kay Erin."sabi ni Noah sabay akbay sa kaibigan. Nag sink in naman sa kanya ang ginagawa nila kaya muling nagbalik ang kanyang isip.
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Novela JuvenilErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
