Chapter 22:Humiliation
Pagkatapos ng ilang oras na klase nila ay hinihintay na lang ni Zandro ang break time dahil gusto pa niya makausap si Erin,marami kasi siya gustong itanong dito lalo na sa ayaw nitong ipaalam sa mga tao na siya ang anak ni Antonio na may ari ng school nila.
Nang mag ring ang bell para sa break time nila ay agad na tumayo si Zandro para lisanin ang silid.
"Oh my gosh nakita mo ba yung nasa freedom wall girl?"rinig ni Zandro na sabi ng isang babaeng dumaan.
"Yeah nakakahiya diba isipin mo lumalapit siya kay Sir Antonio para manlimos."
Nagtaka naman si Zandro sa narinig. Sino ang tinutukoy nila? At saan itong freedom wall na sinasabi nila? Ilang sandali pa ay nakita niyang nagmamadali ang ilang istudyante na parang may pupuntahan,dahil sa curiosity ay sumunod siya sa mga ito
"Hindi na talaga nahiya ang Erin na yan."
"My gosh dapat dyan ine-expell."
"Ang kapal talaga ng mukha."
Samu't saring komento ang naririnig ni Zandro habang papalapit siya sa sinasabing freedom wall,sa dami ng taong nakapaligid ay nahirapan siyang lumapit dito pero dahil sa masasamang sinasabi ng mga ito laban kay Erin ay nagpumilit siyang sumiksik.
Pero isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Zandro dahil hindi niya nagustuhan ang nakapaskil sa freedom wall.
"Erin Del Mundo was caught with the owner of the Del Mundo High Sir Antonio Del Mundo last night does this mean that Erin is asking for compensation because he is poor as a rat? Or he's planing something against our beloved Sir Antonio Del Mundo? If we don't want this to happen let's do something to make Erin regret his evil plot before it's too late."
Ito ang nakasaad sa freedom wall at sa bandang ibaba nito ay ang litrato nina Antonio at Erin na magkayakap. Halos mabali ang mga daliri ni Zandro sa sobrang pagkuyom ng kamao niya dahil sa galit. Sino kaya ang walang modong tao na nag post ng ganito dito? Hindi ba nila alam kung sino ang sinabihan nila ng masama.
Agad na tumalikod si Zandro at naglakad papalayo sa freedom wall baka kung ano ang gawin niya sa taong nagpaskil nito kapag nalaman niya kung sino ito. Palabas naman si Erin ng silid nila at ganon na lang ang pagtataka nito dahil nakatingin ang mga istudyante sa kanya.
Yung tipo ng tingin na parang hinuhusgahan siya pero hindi niya mabatid kung bakit siya pinagtitinginan ng ganon,ano nanaman ba ang ginawa niya bakit ganito nanaman ang tingin sa kanya?
"Well lumabas na pala ang daga sa lungga."sabi ni Casey nang makita si Erin.
"Ano nanaman ba ang ginawa ko?"walang ganang tanong ni Erin sa mga ito.
"Wala naman social climber."sabi naman ni Brenda.
"Social climber? Pwede ba deretsuhin niyo nga ako."
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Genç KurguErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
