Chapter 17:Collided
Maagang nagising si Erin dahil magluluto pa siya ng dadalhin niya pag uwi sa bahay,hindi na kasi siya makapaghintay na umuwi kaya inagahan niya ang paggising.
"Ang aga natin ah."puna ni Mariella nang makita niya si Erin na nagluluto.
"Ah Oo kasi uuwi ako ngayon day off eh. Ah Ate magtitira ako ng niluto ko paki bigay na lang kina Jin."
"Hindi na kailangan gising na siya."
"Oh?"
"Hindi ka makapaniwala no?"
"Halata naman eh tsaka ako lagi ang nauunang gumising kaysa dyan kay Jin."
Tumawa silang dalawa sa huling sinabi ni Erin. Habang sa bahay naman ni Antonio ay abala siya sa pagluluto ng paborito ng mag ina niya,gusto ni Antonio ay siya ang magluto para sa mga ito para malasahan at matandaan ng mag ina niya ang lasa ng luto niya noon.
Matapos niyang lutuin ang menudo na paborito ni Thalia ay ang carbonara naman ang sunod niyang niluto dahil ito ang paborito ng anak niyang si Erin,hanggang ngayon ay natatandaan parin niya na kapag kumain ng carbonara si Erin ay laging magulo ang pagkain nito sa mukha.
"Yaya nakalagay na ba sa kotse ang mga pinamili ko?"
"Opo Sir nandoon na po lahat."
"Sige salamat."
Matapos magluto ni Antonio ay agad niyang nilagay sa tray ng pagkain ang mga niluto niya dahil ilang oras na lang ay magkikita na sila ng kanyang pamilya.
"Magkikita na rin tayo sa wakas."giit ni Antonio matapos niyang lagyan ang mga pagkain sa tray.
06:54 AM
"Sigurado ka ba Erin na ayaw mo akong samahan ka?"tanong ni Jin matapos niyang alalayan si Erin na lagyan ang pagkain sa kotse.
"Nako Jin ayos lang ako malaking bagay na pinahatid mo ako nakakahiya nga eh."
"Ikaw naman parang hindi tayo magkaibigan."
"Basta okay lang ako Jin salamat ulit."
"So I'm expecting to see you on monday then."
"Baka Sunday babalik na ako masyado kasing napaaga ang day off ko eh."
"You need it para may time kayo ng Mama mo."
"Basta babalik ako sige na salamat ulit."
"Bye, Patrick take care of him."
"Yes Sir."
Pinagbukas ni Patrick si Erin ng pintuan saka pumasok si Erin sa sasakyan.
"Salamat."sabi ni Erin.
Nang umandar na ang kotse ay kumaway si Erin kay Jin upang magpaalam gumanti naman ito,habang papalayo ang kotse ay agad nakaramdam ng lungkot si Jin,hindi niya alam pero na miss niya agad ito,napailing na lang si Jin saka pumasok na sa loob.
"Mukhang naging maayos na kayo ni Sir Jin ah."giit ni Patrick.
"Ah Oo nagkaayos na kami."
"Ang bilis namang bumait ni Jin akalain mo yun."
"He is just misunderstood Patrick kaya naintindihan ko siya."
"Kakaiba ka din no napaamo mo si Jin."
"Kasi nga may power of persuasion ako deh biro lang."sabi ni Erin saka ngumiti.
07:16 AM
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Novela JuvenilErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
