Chapter 59:Stalked

1.5K 36 2
                                    

Chapter 59:Stalked

Panay ang ikot ni Erin sa higaan niya, hindi kasi siya makatulog ng mabuti dahil sa nangyari kanina, hanggang sa magdesisyon siyang tumayo sa higaan niya.

"What the hell is wrong with me?"

Pero hindi niya inaasahan ang biglang pagdagundong ng kulog kaya nagulat siya, pumunta siya sa bintana at dumungaw, tiningnan niya ang langit at nakita niya na masama ang panahon dahil wala siyang nakikita na bituin. Nilibot ni Erin ang paningin niya hanggang sa may namataan siyang tao sa tapat ng gate. Kahit na may ilaw ay hindi niya maaninag ang mukha nito.

Nakilala agad niya ito dahil sa suot nitong coat, ito ang taong nagligtas sa kanya kanina kaya naman ay dali dali niyang kinuha ang bathrobe at sinuot saka dali daling bumaba. Lumabas siya sa bahay pero nabigo siya dahil wala na ang taong nakatayo sa harap ng gate. Hindi pa siya nakuntento at binuksan pa niya ang gate at lumabas.

"Hello!?" Sigaw ni Erin pero walang sumagot.

Ilang sandali pa ay biglang lumakas ang hangin kaya napayakap siya sa sarili.

"May tao ba diyan? Please kung naririnig mo ako show yourself!"luminga linga sa paligid si Erin pero wala parin siyang maaninag.

Lumakas ang pakiramdam ni Erin na nasa paligid lang ang taong nagmamasid sa kanya, gusto pa man niyang hanapin ito pero malalim na ang gabi at mukhang uulan pa kaya bumalik na siya sa loob.

Kahit na gusto pang matulog ni Erin pero bumangon parin siya para pumasok sa paaralan, anim na oras lang ang tulog niya kaya gusto pang sumara ang kanyang mata. Bumaba na siya at pumunta sa dining room, nakita niyang nag aalmusal sina Antonio kasama si Alyana.

"Good morning baby girl." Bati ni Erin.

"Good morning po Tito."

"Puyat ka ata anak." Antonio

"Hindi kasi ako makatulog kagabi." Uminom siya ng kape.

"How come?"

"May nakita kasi ako na may nakatayo sa harap ng gate kagabi pero nang bumaba ako eh nawala na lang bigla."

"Baka naman namamalikmata ka lang anak."Thalia.

"I just hope so, pero hindi eh kasi yung nakita ko kagabi ay yung tao mismo na nagligtas sakin."

"Pano mo nasabi yan?" Antonio.

"Dahil sa suot niya, parehong pareho sa suot ng taong nagligtas sakin. Hindi ko lang siya nakita nang bumaba ako para hanapin siya."

Matapos mag almusal si Erin ay naligo at nagbihis na siya para pumasok sa paaralan. Nagtaka si Erin dahil may mga taong abala sa pagaayos sa paligid.

"Erin buti na lang at nandito ka na." Sumalubong si Seth sa kanya.

"What's happening Seth?"

"Hindi mo pa pala alam? Gagawa ng party si Natalia para kay Elizabeth."

"What? Bakit hindi ko man lang alam? Teka alam ba to ni papa?"

"Yan ang hindi ko alam basta nalaman ko na lang na may party nang dumating ako dito."

"Mukhang tama nga si Arian, may kakaiba sa Natalia na yan."

"Basta basta na lang siya gagawa ng desisyon na hindi natin alam. Ano to bastusan na lang ganon?"

"If only Arian is here, he knows what to do."

"You're right." Pareho silang napalingon.

"Gly! Ikaw pala." Erin.

"Pero kahit wala na si Arian nandito ako para tulungan kayo, dahil alam kong ito din ang gagawin ni Arian."

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon