Chapter 43:Uninvited Guest

1.7K 37 0
                                    

Chapter 43:Uninvited Guest

Matapos ipakilala ni Antonio sina Erin ay nasa sariling table sina Erin,Seth,Benedict at Arian kung saan ay para sa kanila lang apat ang mesang iyon. Katahimikan ang bumalot sa kanilang apat at walang nagtatangkang magsalita. Si Benedict ay busy sa kakaikot ng kanyang daliri sa bibig ng baso at dahil dito ay may lumalabas na kakaibang tunog.

"Can you just..."hinawakan ni Arian ang kamay ng kapatid upang itigil nito ang ginagawa niya.

"What? Sa simpleng bagay lang nagkakaganyan ka na."

"It's just wala ako sa mood na makinig ng ganyan."bumuntong hininga si Arian saka uminom ng tubig.

"Erin you okay?"tanong ni Seth nang mapansin niyang nakatulala si Erin.

"Y-yeah."

"Alam ko ang tumatakbo sa isip mo Erin, you're bothered kasi alam na nila kung sino ka talaga."Arian.

"Hindi ko kasi alam kung ano na ang magiging buhay ko kapag natapos na ang gabing ito."

"Ganon pa din naman ang buhay mo Erin ah, may nag iba nga lang ng konti."Seth

Ilang sandali pa ay nakita ni Erin si Jin na tumayo, nagtama naman ang paningin nilang dalawa. Kailangan niyang kausapin si Jin at kailangan din niyang magpaliwanag dito.

"Guys alis muna ako may pupuntahan lang ako."paalam ni Erin, tumango lang ang mga ito sa kanya.

"I feel Erin."Arian.

"What do you mean?"Seth.

"Well alam na kasi nila kung ano ang relasyon ko kay Tito Antonio unlike you kaya hinanda ko na ang sarili ko sa mangyayari."Arian.

"As you say Arian, everything's going to be fine."giit ni Seth saka ngumiti.

Sinundan ni Erin kung saan papunta si Jin, pakiramdam niya ay galit ito sa kanya dahil walang kibo ito nang umalis, bawat daan niya sa mga tao ay tumitingin ito sa kanya at karamihan sa mga ito ay mga schoolmates niya, hanggang sa maabutan niya si Jin sa isang garden malayo sa field. Patalikod si Jin at nakapamulsa ito habang si Erin naman ay tumigil sa paglalakad.

"J-Jin."sabi ni Erin.

"Euracio Erin Hitano Del Mundo, I'm so dumb dahil hindi ko alam ang full name mo Erin."

"G-galit ka ba?"

Humarap ito sa kanya.

"Why would I? Or maybe I'm just upset dahil may tinatago ka sakin, I should've notice that before, yung picture na kasama mo si Sir Antonio, your last name, yung madalas na magkasama kayo ni Seth, now I already completed the puzzle pero na gets ko lang nung lumabas ka sa stage. Why? Bakit hindi mo sinabi na anak ka pala ni Antonio?"

"At first hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol sa pagkatao ko dahil alam na alam mo kung ano ang nangyari sa relasyon namin ng Tatay ko, wala pa akong mapatunayan na kapag sinabi ko sa inyo na anak ako ng may ari ng iskwelahan na pinapasukan ko ay baka pagtawanan lang ninyo ako, sana maunawaan mo Jin ang ginawa ko."

"H-hindi ko lang kasi matanggap na naglihim ka sakin."

"I have to Jin, dahil plano ko talagang gawin ito, alam mo naman siguro ang pinagdaanan ko sa paaralang ito diba? I wanted to slam this party to their faces para malaman nila kung sino ang taong minamaltrato nila, that's why this party was made dahil alam din ni Tatay kung ano ang pinagdaanan ko. Ngayon kung magbago man ang pagtingin mo sakin, wala akong magagawa, this is who I am and I can't deny the fact that I was born to be a Del Mundo, goodbye Jin."

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon