Chapter 56:Debris
Alas otso na pero wala paring Arian ang umuwi sa bahay kaya naman hindi mapakali si Annabeth at panaya ng ikot nito.
"Benedict try to call your brother again."
"Ma I'm trying pero hindi siya sumasagot baka naman napadaan lang sa mga kaibigan niya."
"Benedict kung mapapadaan man si Arian eh tatawag yun na late na siya uuwi."
"Why don't we call Tito?"
"Good idea." Nag dial si Annabeth ng number ni Antonio at makailan ang ilang ring ay sumagot na ito.
"Hello Kuya?"
"O Annabeth napatawag ka."
"Tatanungin ko lang sana kung nandiyan si Arian sa inyo."
"Wala dito si Arian samin."
"Ganon ba? Nako san naman kaya pumunta ang batang yon? Kanina pa kasi siya umalis mga alas singko pa ng hapon."
"Sige kung mapadaan man dito si Arian I'll notify you."
"Sige Kuya salamat."
"Ano na nandoon ba daw si Ayan?"
"Wala eh."
Napukaw naman ang pandinig ni Annabeth ang patalastas sa telebisyon kaya napako ang atensiyon niya doon.
"Isang malaking pagsabog ang gumulantang sa mga tao dito sa Bonifacio Port, nanggaling di umano ang pagsabog sa yate ayon sa mga taong nakasaksi"
"B-Benedict sabi ni Arian sa Bonifacio Port daw siya pupunta hindi kaya....."
"No mom don't say that."
"We need to get in there Benedict now!"nataranta na si Annabeth dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.
"Okay okay let's go."
Agad nilang tinungo ang sasakyan, agad na pinaharurot ni Benedict ang sasakyan dahil maging siya ay kinakabahan na din. Pagdaging nila sa Port ay nadatnan nila ang maraming pulis kaya bumaba sila ng sasakyan.
Lalong nanginig ang katawan ni Annabeth nang makita niya ang sasakyan ni Arian na nakaparada.
"Mom kotse to si Arian diba?"Benedict.
Hindi na nagsalita si Annabeth sa halip ay lumapit sya sa mga pulis pero mas lalo siyang nagulat nang makita niya si Zandro na kausap ang mga ito.
"Zandro!"lumapit siya dito.
"W-why are you here? Where is Arian?"
Namumugto ang mga mata ni Zandro nang tumingin siya kay Annabeth.
"Zandro where is my son?"
"T-Tita I'm sorry."ito lamang ang tanging nasagot ni Zandro.
"Kayo po ba ang ina ni Arian?"tanong ng pulis sa kanya.
"A-ako nga po bakit saan na po ang anak ko?"
"Well ayon po sa salaysay ni Zandro, may dumakip daw sa kanyang mga lalaki pagkatapos ay nagising siya sa loob ng yate, after that nakita niyang pinalilibutan siya ng mga lalaki nang magkamalay na siya at nakita niya si Arian."
"T-then what happened?"
"Pinalabas daw ni Arian si Zandro pagkatapos ay nakita ni Zandro na umandar na ang yate papalayo sa Port, nakarinig pa ng ilang putukan ng baril si Zandro pagkatapos po ay sumabog na ang yate na sinasakyan ng anak ninyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/115351168-288-k819892.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Fiksi RemajaErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...