Chapter 40:Two Drunk head
Parang mga bata na nagsisitakbuhan sina Erin at Arian palayo kina Jin at parang gusto nilang makipaghabulan sa dalawa.
"Ahahahahaha hindi niyo kame maaabutan!"sigaw ni Erin habang tumatakbo.
"Wooo talo na sila oh!"Arian.
Pero dahil sa lasing sila ay naabutan sila nina Jin at Zandro at agad silang pinigilan mula sa pagtakbo. Niyakap ni Jin si Erin ng mahigpit para hindi na ito makawala parehas din ng ginawa ni Zandro.
"Erin stop! Stop!"awat ni Jin dito dahil nagpupumiglas pa ito sa kanya.
"No! Gusto kong maglaro ano ba!"humarap si Erin kay Jin.
"Please Erin don't do this kung may problema ka nandito lang ako talk to me."
Tumigil si Erin sa pagpupumiglas at pangiting tumingin kay Jin.
"You are so killjoy Jin hahahaha."amoy ni Jin ang alak sa hininga ni Erin pero hindi niya yon pinansin, kahit na mabaho pa ang hininga nito eh hindi niya to susukuan.
Matapos magsalita si Erin ay nawalan na siya ng malay at parang natutulog na dahil sa kalasingan.
"Erin? Erin?"niyugyog ni Jin si Erin pero hindi na ito tumutugon sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Jin nang malaman niyang tulog na ito kaya binuhat na niya si Erin.
"Zandro ano ba!"akmang susuntukin ni Arian si Zandro pero parang may pumalo sa ulo ni Arian dahil agad itong natumba papunta kay Zandro na ikinagulat naman nito.
"Well that was fast, na deactivate na siguro ang battery niya."giit ni Zandro habang nasa dibdib niya ang ulo ni Arian. Wala siyang suot na sando at hindi din naka buton ang polo niya kaya ramdam niya ang labi ni Arian sa kanyang dibdib.
"Oh great."sabi ni Zandro saka binuhat na nito si Arian.
Sa sitwasyon nilang dalawa ni Jin eh parang ni rescue nila sina Erin dahil pareho itong walang malay habang buhat buhat nila. Well ni rescue naman talaga nila sina Erin, sa kalasingan nga lang. Hindi naman gaanong mabigat ang dalawa, marahil ay malaki ang katawan ng dalawa kaya hindi sila masyadong nahirapan sa pagbuhat sa dalawang pasaway.
"Well you know kaya hindi pa siya nakakapasa kasi--- Jesus Christ!"giit ni Ace nang makita niya ang paparating na sina Jin habang bitbit sina Erin.
"Oh my! What happened?"Syl.
Lina gasped"Pinagsamantalahan niyo ba sila? Why!?"
"They got drunk."sabi ni Zandro matapos niyang ilagay si Arian sa upuan.
"Drunk? Silang dalawa talaga?"Eva. Lumapit naman ang iba sa kanila para tingnan ang sitwasyon nina Erin.
"My goodness pangalawa na ito ni Erin ah."Syl.
"At dalawa pa talaga sila ni Arian hindi naman siguro nang iimpluwensya si Erin diba?"Noah.
"Ano ka ba hinde no kilala ko ang taong yan hindi yan nag aaya na uminom no."Lina.
Ilang sandali pa ay dinilat ni Arian ang mga mata niya.
"H-oh... What happened?"sabi pa nito.
"H-hindi mo naman sinabi sakin na may kambal ka pala Zandro."tinuruan niya ang mukha ni Zandro.
"Ay Arian walang kambal si Zandro nahihilo ka lang kaya doble ang paningin mo."Clyde.
"Teka marami ata tayo ngayon, sino ang nag invite sa iba?"nilibot ni Arian ang paningin niya at dahil sa hilo ay doble doble na ang nakikita niya.

BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Teen FictionErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...