Chapter 49:Emperors meets Titans

1.3K 41 0
                                    

Chapter 49:Emperors meets Titans

Matapos maghilamos si Arian ay lumabas na siya sa banyo.

"Salamat sa pagpapahiram."binalik ni Arian ang jacket ni Gly.

"Anything for you."kinuha niya ito.

"We lost everything Gly, Frederick and that guy I just killed, wala na tayong lead para malaman kung sino ang kumakalaban satin."

"Yan ba talaga ang dahilan?"

"What do you expect for me to say?"

"About the guy you killed?"

"Alam mong hindi na bago sakin yan, it's just it's been a while since I killed a person."

"About the suspect wag kang mag alala dahil malalaman din natin kung sino ang taong yon."

"So for now we will just keep an eye on Erin and Seth, they're fragile than we."

"Wag kang makampante Arian, ikaw din you need to take care you're a Del Mundo too."

"Yeah yeah I know, by the way saan na pala sila?"

"Andun tumatambay."

"O sige pupuntahan ko sila."

"I'll go then."

"Hindi ka ba sasama sakin? I'll let you join our group si Zandro nga eh nakikisabay na kina Jin."

"That's not gonna happen Arian."

"But why not?"

"May tensyon pa kasi sa pagitan namin ni Jin nunh naabutan ko si Erin na naliligo sa itlog at harina."

"Come on Gly kalimutan mo na yun I'm sure wala na yun kay Jin."

"Maybe next time Arian sige na."ginulo ni Gly ang buhok ni Arian.

"Stop it! Ginagawa mo naman akong bata."

"Ang cute mo kasi."sabay pisil sa pisngi ni Arian.

"Sige na alis na ako baka kung ano pa ang gawin mo sakin."tumalikod na si Arian para umalis.

"Arian."tinawag siya ni Gly kaya lumingon siya.

"Yup?"

Matagal bago nakasagot si Gly.

Ngumiti ito."Nothing."

Maikling tumawa si Arian saka umalis na.

Habang naglalakad si Arian ay natanaw na niya sina Erin, ngumiti siya nang makitang masaya ang mga ito at hindi masyadong nagpapa apekto sa nangyari. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero hindi niya napansin ang isang grupo ng lalaki na papasalubong sa kanya kaya nabangga niya ang mga ito, muli ay napaupo si Arian sa damuhan sa lakas ng pagkabangga niya.

"You again?"

Tumingala si Arian, ito yung lalaking nakabangga niya kanina.

"S-sorry."sabi nito habang nakatingala.

"Tanga ka talaga siguro no? O sinasadya mong magpapansin samin?"sabi ng iritableng si Keiran.

"Wow ang kapal ng gilagid mo kuya."sabi ni Arian sa isip niya.

"P-pasensya na hindi ko sinasadya."

"Here let me."tutulungan sana ni Tony si Arian na tumayo pero pinigilan siya ni Keiran.

"Ano ba Tony tutulungan mo talaga itong tangang ito?"

"Keiran enough."Jacob.





The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon