Chapter 54:The Past

1.1K 38 0
                                        

Chapter 54:The Past

Masaya silang nag uusap habang kumakain, nagsimula namang maging komportable si Jin dahil sa totoo ay mabait at masiyahin naman talaga si Antonio malayo sa expectations ni Jin.

"So Arian kamusta ang pag aalaga mo sa bata maayos ba?"tanong ni Antonio sa kanya.

"Maayos naman po Tito, hindi naman mahirap na alagaan si Alyana"

"Good, pero alam ko na kailangan mo din ng tulong kaya nandiyan si Gly, hindi ba Gly?"tumingin si Antonio dito.

"Y-yes po, I'll be with Arian whenever he needs me."sabi naman ni Gly.

"Did you hear that?"sabi ni Erin at tila may pinapakinggan.

"What?"tanong ni Arian.

"I can hear wedding bells."sabi ni Erin.

Napatawa na lang sila sa sinabi nito.

"Sira ka talaga Erin."giit ni Arian.

"Whatever you want Arian and Gly, susuportahan ko lang kayo because you give all your effort to help me in my companies."giit ni Antonio.

"Did you hear that Arian?"sabi ni Gly.

"A-ah Tito hindi naman ata kami hahantong sa ganyan tulad ng nasa isip niyo."medyo nahihiya si Arian.

Nagtama naman ang mga paningin nina Jin at Gly.

"Elizabeth why don't you talk? Kanina ka pa kasi tahimik diyan eh."Erin.

"A-ah e-eh wala naman akong iku-kwento eh."

"Wag ka nang mahiya, bahagi ka na ng pamilya namin."dagdag pa ni Erin.

"Yeah, you should cheer up magkakasundo din tayo."Seth.

Tumingin si Elizabeth kay Arian.

"Alam kong dahil sakin kaya ka lalong nanahimik, I'm sorry kung ano man ang nasabi ko kanina."

Ngumiti si Elizabeth"Wala yun, ayos lang hindi naman kita masisisi, naiintindihan ko."

"Elizabeth, don't make yourself feel outcast, anak parin kita kaya make yourself feel at home dahil bahay mo na rin ito."

"Salamat po."

"And please call me dad okay?"

"S-sige po, dad."kahit na may pag aalinlangan ay sinabi parin niya ito.

"Jin baka sa susunod baka makikilala na din namin ang mga magulang mo."sabi ni Thalia.

Biglang nanlamig ang katawan niya sa sinabi nito, ano ang sasabihin niya dito? Lalo na at alam na ni Jin ang lihim ng ina niya.

"Oo nga pala Jin para makilala ni Tita Lucy sina mama."

Lalo lamang nanginig ang katawan ni Jin dahil sinabi ni Erin ang pangalan ng mommy niya. Nagtama muli ang paningin nila ni Gly.

"Sandali anak, Lucy?"nagkatinginan sila ni Antonio.

"Opo ma si Tita Lucy Villaroma."

Nabitawan naman ni Thalia ang kutsara na hawak niya at dahil dito ay napatingin sila sa.

"Tita what's wrong?"Arian.

"Lucilia Villaroma ba ang totoong pangalan ng nanay mo Jin?"tanong ni Thalia.

"Y-yes po."halos hindi na makapagsalita si Jin sa tindi ng nerbiyos.

"B-bakit po ma?"

Napansin nila na unti unting namumuo ang luha ni Thalia.

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon