Chapter 26:Foster Home

1.8K 46 3
                                        

Chapter 26:Foster Home

Nagpaalam si Seth sa kanyang mga magulang para doon na matulog sa bahay nina Erin,gusto pa kasi niya makilala ang Nanay ni Erin,bukod sa mabait at maalalahanin ay may nakita din siyang pagkakahawig nilang dalawa ni Erin.

"Seth doon ka na muna matulog sa guest room."sabi ni Antonio.

"Sige po."

"Pinahanda ko yung kwarto tsaka magluluto muna kami ni Erin."

"Parang nagmana talaga si Erin sa inyo ah."

"Hindi lang sakin kundi pati na rin kay Thalia."

"Mukha nga po eh."

"Oh sige na punta muna ako sa kusina."

"Sige po."

Tinungo na ni Antonio ang kusina at nadatnan niya na nakasuot na ng apron si Erin at naghihiwa.

"Anong niluluto natin dyan?"kinuha ni Antonio ang apron saka sinuot.

"Menudo of course."sabi niya.

"Wow mukhang masarap ah sige ako naman eh magluluto ng adobo."

"Great."

Nagsimula namang ihanda ni Antonio ang mga sangkap sa pagluluto.

"Anak salamat."

"Huh? Para saan naman?"tumingin ito sa ama pero binaling muli ang paningin sa ginagawa.

"Salamat at pinagbigyan mo ako."

"Ah yun ba? Nako maliit na bagay."

"For you but for me malaking bagay na napatawad mo ako kahit na alam kong mabigat ang ginawa kong kasalanan sa inyo."

"Thank you din,because all this years nabawasan na ang bigat ng loob ko dahil sa wakas pinatawad na din kita."

"At dahil pinatawad mo na ako susubukan kong buuin ang pamilya natin."

"That would be great kakaiba talaga ang nagagawa ng kapatawaran,I hope we will never loose you again."

"I won't I promise."Erin smiled sweetly.

Pagkatapos magluto ay kumain sila kwentuhan at tawanan ang ginawa nila habang kumakain,naging komportable naman si Seth dahil masaya naman din naman ang pamilya ni Erin at parang walang pinagdaanan ang kanilang pamilya.

"After ng pagpapakilala ko kay Erin magsisimula ka nang mamuhay bilang isang Del Mundo."

"I am living like a Del Mundo well isa nga lang commoner."

"That's the point dahil pagkatapos kang makilala bilang anak ko you will be acting like you're a royal blood."

"Oh no does that mean that I need to undergo some training?"

"No not exactly like that ihahanda lang kasi kita para sa paghawak ng multimillion Del Mundo Realties."

"Nako baka hindi pa handa ang anak natin para diyan."Thalia.

"No worries Seth will be on his side."

"Wait Tito ako ang inappoint ni Papa na humawak ng company namin."

"Nakalimutan mo ata Seth your families company and mine are both connected we're Del Mundo at hindi dapat nagkakahiwalay ang kumpanya natin if you need help Erin will be there for you."

"Sandali parang masyado naman atang maaga para dyan."

"Nasa Royal Empire ka diba? So hindi na problema ang paghahanda at kapag nasa college ka na puspusan na ang pagsasanag mo kung paano humawak ng kumpanya,remember Erin ikaw lang ang nag iisang anak ko at ikaw lang ang inaasahan ko na magmamana sa mga kumpanya at negosyo ng pamilya natin."

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon