Chapter 35:Awards
Erin's POV
"Erin okay ka lang?"ito ang tanong sakin ni Seth nang bumalik ako sa loob.
"Ayos lang."suminghot ako nang makaupo, halata talaga na umiyak ako.
"Parang hindi ah anong nangyari sa labas?""Eva.
"Wala to, wala to ano ba."
"Siguro ka ba? Teka umiyak ka ba?"Lina. Patay nakita siguro niya ang namui kong luha sa mata.
"H-hindi wala to napuwing lang"pagkakaila ko, napansin ko na wala si Teo sa grupo"Alis muna ako babalik lang ako."pero hinawakan ako ni Jin sa braso nang tumayo ako.
"Kakabalik mo lang tapos aalis ka na agad, I'll go with you."
"No wag na hindi naman ako lalabas ng gymnasium, kukuha lang ako ng maiinom medyo na dehydrate kasi ako."bumitaw na si Jin sa paghawak sakin.
Umalis ako para pumunta sa mesa at maka inom, pero napahinto ako nang makita ko sina Elise at Teo na magkasama, they look happy than before, good for them pero pano naman ako? Tumingin sakin sina Teo at Elise at nagbigay ng "thank you" look sakin, ngumiti na lang ako bilang ganti sa kanila at bigla na lang bumagsak ang luha ko na kanina pa namuo, agad ko itong pinahid at nagsimulang maglakad.
Nang nasa mesa na ako ay nakita ko ang iba't ibang drinks, may juice, soft drinks at meron ding mga heavy drinks, kahit na hindi pa ako umiinom ay susubukan ko, I need to rest my mind kaya kumuha ako ng baso at binuksan ang vodka saka sinalin sa baso, tiningnan ko muna ang baso bago tumagay, napapikit ako dahil sa nalasahan ko ang pait pero naisip ko na sa una lang ito masasanay din ang panlasa ko kaya nang matapos ko ang isang baso ay nagsalin ako muli.
Now I understand why some people chose to drink and get drunk, kalahati na ang nabawas ko sa bote at kahit na mapait ang ininom ko ay pakiramdam ko ay masarap parin ito. Dahil sa mag isa lang akong umiinom at halos maubos ko na ang laman ng bote ay natamaan na ako ng hilo. Bahala na at least makakalimutan ko ang kagaguhan ni Darrion.
"And now are you guys ready for the awarding!?"nagsalita ang emcee sa stage kaya naman tumingin ako sa stage, dahil sa hilo ay bahagya akong nasilaw sa ilaw.
"Shit!"nasapo ko ang noo ko. Pero hindi ko yon pinansin at muli akong tumungga pero hindi ko na natuloy dahil may humawak sa kamay ko.
"What the!? When did you learn to drink?"parang may halong galit sa tono ng boses niya.
"Ano ba Jin wag mo nga akong pigilan!"binawi ko ang kamay ko.
"Stop it Erin ano bang nangyayari sayo?"
"Wag mo nang tanungin dahil alam mo ang dahilan."inubos ko na ang isang baso na may laman na vodka tapos umalis na ako sa harap niya.
Pakiramdam ko ay lumilindol dahil natamaan na ako ng hilo kaya naman ay bigla akong natumba pero nasalo naman ako ng lalaki at agad naman akong tumayo. Umiling iling ako at nagbabakasakali na maalis ang hilo ko.
"Come here."hinila ako ni Jin at inalalayan akong maglakad, pinaupo niya ako sa bakanteng silya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Erin, Erin! Listen to me wag mo nang isipin ang ginawa ni Darrion, we're here to enjoy not to worry okay?"
Pareho kaming napatingin sa stage nang magsalita muli ang emcee.
"Now our first category of award is the most handsome face of the night, can you guess who won?"hindi ko na masyadong narinig ang mga sinasabi nila.
"You're right! It's Jin Damon Villaroma!"hiyawan na lang ang naririnig ko nang banggitin ito ang pangalan ni Jin.
"May we have Mr. Jin on the stage?"
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
JugendliteraturErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
