Chapter 55:R.I.P. Arian

1.3K 37 4
                                    

Chapter 55:R.I.P. Arian

Erin's POV

Isang araw nanaman ang dumating, parang nakakapagod nang mabuhay, kahit mahirap man ay pinilit kong bumangon para pumasok sa school, inisip ko parin ang mga sinabi ni Arian sakin kagabi. He's right kailangan kong kausapin si Jin, mahal ko siya at tama si Arian dahil mahihirapan ang puso ko kapag hindi ko kinausap si Jin.

Pagpasok ko sa school ay sobrang lakas ang pagpintig ng puso ko, what is this? Parang ako pa ang may kasalanan nito. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa Royal Empire o hinde. Malayo pa naman ako sa classroom kaya may time pa ako para mag back out, tumigil ako sa paglalakad at mula sa malayo ay tiningnan ko muna ang room ng Royal Empire. I sigh parang may pumipigil sakin and at the same time may parang tumutulak sakin para pumasok, muntik pa akong magulat dahil may humawak sa braso ko kaya napalingon ako. And the other thing is hindi ko inaasahan na siya ang una kong makikita ngayon.

"Erin."I can see his forming tears in the eyes.

"J-Jin."maging ako ay nakaramdam ng pagkamuo ng luha sa mata ko.

"We need to talk Erin please."tila nagsusumamo si Jin sa tono niya.

"You don't have to say please."

Damn it! Mahal ko na nga talaga si Jin dahil hindi ko siya magawang tiisin. At sa likod ni Jin ay nakita ko si Eva, lumapit siya sakin, does Eva knows too?

"E-Erin galit ka din ba sakin?"tanong niya sakin.

Oo nga naman bakit naman ako magagalit sa kanila? Wala naman silang kasalanan kundi ang mommy lang naman nila.

"O-of course not Eva, bakit naman ako magagalit sayo?"

"Akala ko kasi galit ka."nakita ko na parang iiyak na si Eva, don't cry Eva dahil wala kang ginawa.

"Shh don't cry."niyakap ko siya.

"Wala kang ginawa, you don't have to apologize Eva."

"Ayaw ko lang kasi na maputol ang pagkakaibigan natin kaya ako na ang mag so-sorry para kay mama."

Hindi ikaw ang gusto kong humingi ng tawad samin Eva kundi ang nanay mo mismo.

"Basta wag ka nang umiyak."kumalas na siya sa yakap.

"Ano ba yan umagang umaga umiiyak ako."pinunas niya ang luha.

"So pano ba yan mukhang kailangan niyong mag usap ni Kuya, mauna na ako."sabi niya saka umalis na siya.

"M-maybe it's appropriate for us to talk privately."sabi ni Jin.

Muli ay narito kami sa music room but this time sarado lahat at medyo madilim kaya walang makakakita samin dito. Katahimikan muna ang namayani sa pagitan namin ni Jin.

"E-Erin I...."binasag na ni Jin ang katahimikan, kahit na madilim ay kitang kita ko na kumislap ang luha sa mata niya dahil na rin sa kaunting ilaw na nagmumula sa labas.

"I-I'm sorry dahil... Dahil naglihim ako sayo believe me Erin I only did that dahil ayaw kong lumayo ka sakin."alam kong pinipilit niyang gawing normal ang mga galaw niya kahit na nararamdaman kong hindi na niya kaya ang sakit.

"I already accepted your apology Jin."nakita ko kung pano siya magulat sa sinabi ko.

"W-what?"

"Do I need to repeat myself?"

Unti unting gumuhit ang ngiti niya sa labi pero patuloy parin ang pagdaloy ng luha niya. Ilang sandali pa ay lumapit siya sakin at niyakap ako. Shit ito ata ang kahinaan ko. Ang yakapin ako ni Jin.

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon