Chapter 53:Elizabeth Winona Imperial
Mas mabilis pa sa alas kwatro ang naging prosesl ng pag ayos sa pag aaral ni Elizabeth sa Del Mundo High, nagkaroon ng madaliang announcement sa school nila upang ipakilala ang bagong miyembro ng Del Mundo. As expected nagulat ang lahat sa revelation nila. Kasama sa paga-adjust sa pagtransfer ni Elizabeth ay ang pagpasok niya sa Royal Empire pati si Arian ay nadamay kaya pati siya ay napatransfer sa Royal Empire nang wala sa oras. Medyo nainis si Arian dahil sa inutos ng Tito niya pero naramdaman niya na may konting inis na nararamdaman si Antonio kahit na masyadong mabilis ang pagproseso kay Elizabeth.
Hindi magawang makinig ni Arian ng maayos dahil nakabakas sa mukha niya ang matinding inis habang nasandal ang mukha niya sa kamay na parang malungkot, pero this time magkasalubong ang mga kilay niya. Siniko naman siya ng mahina si Erin na katabi niya, nagpalit naman sila ng posisyon ng pag upo dahil pumasok sina Arian, nasa harapan sina Clyde,Noah,Teo at Seth, sa likuran naman sina Ace,Elizabeth,Jin,Erin at Arian.
"Kanina ka pa nakakunot noo ah."sabi ni Erin, nilingon naman siya ni Arian.
"Naiinis lang kasi ako sa desisyon ni Tito."napakamot siya.
"Kahit nga ako eh naiinis kaya naiintindihan kita pero desisyon yon ni papa kaya no choice tayo."
Natiis ni Arian ang mahabang oras na nasa loob siya ng Royal Empire, hindi kasi siya sanay sa biglaang paglipat kaya hindi siya komportable kaya nang tumunog ang break time bell ay si Arian agad ang unang lumabas.
"Arian wait!"hinabol siya ni Erin, hanggang sa napatigil sila sa may bench.
"What?"
"Wag ka naman ganyan Arian."
"Pano ako hindi magkakaganito eh parang nagsisimula nang maging impyerno ang buhay natin."
"Stress ka lang masyado Arian kaya ka ganyan."
"Yeah right! Pero iba to Erin eh, lalo na yung Natalia na yon"napailing si Arian."wala akong tiwala sa kanya."napapunas si Arian ng bibig.
"Kapag sinubukan nilang manggulo o mangialam sa pamilya natin, pagsisisihan nila dahil ako mismo ang makakalaban nila."
"Pwede ba Arian wag kang magsalita ng ganyan? Kinikilabutan kasi ako eh baka mamaya totohanin mo yang sinasabi mo."
"Pasensya na Erin it's just..... Hindi lang ako sanay na mag ibang tao ang sumasawsaw sa pamilya natin, ayos lang na ma stress ako sa business pero sana naman wag na nilang dagdagan pa."
Pareho silang napalingon nang may babaeng nagsalita.
"Pasensya na kayo kung nagkakagulo kayo dahil sakin."sabi ni Elizabeth
"No.. No Elizabeth hindi ito dahil sayo."sabi ni Erin.
"Narinig ko ang pag uusap ninyo, ayos lang naiintindihan ko kayo pasensya na."umalis na ito.
"I need to be alone, masyado na akong nagiging magulo."pagkasabi ni Arian ay umalis na ito. Hindi naman magawang pigilan ni Erin ang pinsan dahil naiintindihan niya ito.
Bumuntong hininga si Erin.
"Hey."lumingon si Erin.
"O ikaw pala."lumapit sa kanya si Jin.
"Ayos lang ba kayo ni Arian? He looks upset."
"Naaawa nga ako dun eh, stressed na masyado si Arian kawawa naman."
"Halika."umupo silang dalawa sa bench.
"Ikaw ayos ka lang ba? I mean meron ka nang kapatid is it okay to you?"
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Teen FictionErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
