Chapter 48:Memories
Arian's POV
Dalawang araw na matapos ang madugong pakikilaglaban ko kay Bruce ay pinadala ako ng Captain namin dito sa isang underground facility kung saan ay tuturuaan daw akong mang hack at humawak ng baril, nagulat ako dahil somehow ay may nakikita din akong mga ka edad ko rin na nagsasanay and of course nakasama ko si Gly.
Medyo may sugat parin ako dahil sa nangyari samin ni Bruce, hindi naman ako si wolverine para gumaling agad ang mga sugat ko. Kasama ko sa isang kwarto si Gly, sa isang kwarto kasi ay dalawa ang kama, malaki ang kwarto kaya nagtaka ako kung bakit dalawa lang ang kama na nandito pwede namang tatlo o apat ang kasya dito. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay may biglang nagsalita sa likuran ko.
"You ready?"
Lumingon ako at saka tumango kay Gly, napansin ko lang , habang padagdag nang padagdag ang taon ay lalong umiiba ang itsura ni Gly, lalo siyang gumugwapo, marahil ay may dugo siyang British kaya lumalabas ang pagka blonde ng buhok niya, he looks like Alexander Ludwig kung ikukumpara.
"Let's go."sabi niya.
Inayos ko muna ang gamit ko saka lumabas na. Habang papalakad kami sa hallway ay parang nasa maze kami ni Gly dahil nakailang liko kami bago narating ang training room, maliligaw ata ako kapag ako lang ang mag isang tumatahak sa daanan papunta dito.
"Here we are."binuksan ni Gly ang pintuan saka una akong pinapasok.
Napa wow na lang ako sa nakita. Masyadong futuristic ang mga equipment na nandito sa loob, nakita ko na panay ang pindot ng dalawang tao sa malaking screen na mukhang holographic. Nakaupo ang ilang binatilyo at dalaga sa kani kanilang mga posisyon sa harap ng flat screen na monitor at abala ang mga daliri nila sa pagpindot sa keyboard.
"Dito ka uupo."hinila ni Gly ang upuan saka pinaupo ako saka umupo din ito sa tabi ko.
"I'll be guiding you Arian. Ituturo ko sayo ang basic steps ng hacking."
Mula sa nakabukas na monitor ay binuksan niya ang isang web, nagbigay siya ng halimbawa kung paano manghack ng website, matapos ang ilang pasikot sikot ay nagawa na niyang kontrolin ang website as if siya ang gumawa nito, bihasa na pala si Gly sa hacking.
"Remember Arian, tinuturuan nila tayo sa pag hack dahil kailangan din nating gumawa ng ganito lalo na at may pinoprotektahan tayo at higil sa lahat, hindi ginagamit ang hacking sa masamang bagay."sabi niya.
Tumango na lang ako as my response.
"Tinuturo din nila kung paano gumawa ng virus, may iba't ibang klase ng virus Arian, may virus na sinisira ang mga files mo, kino-corrup at nili-leak ang mga private information mo at ito ang pinakamatindi. May virus na hindi lang kayang sirain ang software or files, itong klaseng virus ay nagagawa din nitong sirain ang hardware which is nakakatakot dahil kapag nagkaroon ng ganitong virus sa device mo, wala ka nang magagawa kundi ang iwan ito."
"Well that sounds so interesting, hindi tuloy ako makapaghintay na matuto. Teach me."
"Okay don't get yourself too excited Arian, matututo ka rin."
Matapos ang ilang linggo hanggang sa naging buwan ay natutunan ko na kung pano mang hack, they even classify the kind of hacker, may sinabi silang Blackhat,Greyhat at Whitehat hacker. Ang Blackhat ay isang klase ng hacker na masama, wala silang ibang gawin kundi ang manghack at magnakaw especially sa mga may bank account, ang Greyhat ay neutral lang ito, pwede kasi silang magtrabaho aa mabuti pwede din sa masama basta the price is right nga lang, and ang Whitehat ay ang type ng hacker na mabuti ang intensyon, pinoprotektahan nila ang mga tao mula sa Blackhat at Greyhat hackers, and I have to say na I'm that kind of hacker between Black and White at hindi din Grey okay ang gulo ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Ficção AdolescenteErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
