Chapter 29:Two at the time

1.5K 36 0
                                    

Chapter 29:Tw

Isang linggo na lang ang hinhintay nila bago ang Valentine celebration kaya puspusan ang ginagawa nilang pag decorate sa paaralan nila. Bawat classroom ay may kanya kanyang disenyo na pang Valentine ang tema maging mag mga pasilyo ay napuno ng dekorasyon.

Tumulong naman si Erin sa pag decorate ng gymnasium kahit na may masamang alaala siya dito ay hindi siya nagdalawang isip na pasukin muli ito,kinalimutan na kasi niya ang nangyari sa kanya dahil nag apologize naman si Casey ang mastermind sa kanya.

"Megan paki abot ng glue gun."sabi ni Erin.

"Eto."inabot sa kanya ng kasama niya.

"Salamat."sinimulan na ni Erin ang pagdidikit ng mga puso sa stage pagkatapos ay sunod naman niyang gawin ay ang paglatag ng pulang tela sa gilid ng stage maging sa baba ng pader nito.

Pagkatapos gawin ni Erin ang paglalagay ay lumayo siya ng konti sa stage para pagmasdan ito,nabasa naman niya ang tema na nakadikit sa stage.

"Our hearts united for one love"

Ngumiti si Erin saka bumalik sa pag aayos sa stage,hindi pa kasi tapos dahil may kailangan pa siyang dagdagan.

"Erin salamat ah malaki talaga ang itinulong mo samin."giit ni Megan,sila kasi ang nag aayos ng stage simula pa noong first year sila.

"Ay wala yon gusto ko namang tumulong eh at tsaka mukhang engrande ang celebration at nakita kong kulang kayo kaya tumulong ako."

"Hindi lang yan Erin tingnan mo ang ganda ng pagkakagawa mo at hindi kami masyadong napagod dahil sayo kaya sobra sobra ang pasasalamat namin sayo."sabi naman ni Alex.

"Ganon ba ah kaya pala pagod na ako."sabay hawak si Erin sa bewang niya"pero joke lang."tumawa sila sa biro ni Erin.

Ilang sandali pa ay may nagsalita sa speaker.

"Uhh hello magandang araw po sa inyong lahat pasensya na po kung naabala kayo sa boses ko"

Nakilala naman agad ni Erin kung sino ang nag mamay-ari ng boses nito.

"Zandro?"

Napatingin naman ang mga tao sa paligid at tila hinahanap kung sino ang nag sasalita.

"Erin kung nakikinig ka gusto kong malaman mo na simula pa noong mga bata pa tayo iba na ang pagtingin ko sayo"

Napako ang mga paningin nila kay Erin dahil siya ang tinutukoy ng nasa speaker,naiilang naman si Erin sa mga tingin nila,ang iba ay nakangiti ang iba naman ay blangko lang ang expression ng mukha nila habang nakatitig kay Erin.

"Akala ko nung iwan kita at lumipad sa ibang bansa ay makakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sayo pero nagkamali ako,dahil simula nang makita ko ang mga pictures mo ay nagising muli ang natulog kong damdamin ko para sayo."

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon