Chapter 28:Tough Decision
Nanlumo si Erin dahil ilang minuto na lang ay aalis na sila,nakaramdam naman siya ng lungkot dahil hindi niya alam kung kailan siya babalik para makita ang mga bata.
"Uy malungkot ka ata."sabi ni Seth na katabi niya.
"Oo nga eh ang saya pala dito nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo."
"Hayaan mo pag may oras pa tayo bibisitahin natin sila."
Ngumiti si Erin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nag anunsyo na ang madre na mag papaalam na sila.
"Kids dahil wala nang oras magpapaalam na ang mga Kuya ninyo."lalo namang sumikip ang dibdib ni Erin nang marinig iyon sa madre.
Nakita nila na parang sumimangot ang mga bata.
"Erin anak magpaalam ka na sa kanila."giit ng madre,lumapit naman si Erin dito at humarap sa mga bata.
"A-ah kids pasensya na pero-"napahinto si Erin dahil nagbabadyang tumulo ang luha niya"ano ba yan naiiyak tuloy ako."sabi niya sabay pahid sa luha niya.
"Alam kong masyadong maikli ang panahon para magkasama tayo a-and uhmm pinapangako ko sa inyo na babalik ang Kuya Erin niyo."hindi na napigilan ni Erin ang luha niya na bumagsak,lumapit naman si Jin at hinimas ang likuran niya.
Lumapit naman ang batang si Edward at niyakap siya sa bewang.
"Kuya cute wag na po kayong umalis wala po akong kaibigan dito."sa sinabi ng bata ay lalo lamang bumigat ang loob ni Erin kaya lumuhod siya para pumantay sa bata.
"Edward makinig ka."patuloy pa din ang pagbuhos ng mga luha ni Erin"kahit wala ako may mga magiging kaibigan ka pa rin naman,alam kong good boy ka at dahil dyan may surprise ka pag bumalik ako muli."
Umiyak na rin ang bata.
"Wag na po ikaw umalis."mas lalong bumuhos ang luha ni Erin nang umiyak ito,kung pwede lang na iuwi niya ang batang ito pero hindi pwede.
"Sshh wag ka nang umiyak promise babalik din ako ulit kailangan ko pa kasing pumasok sa school kaya wag ka nang umiyak please?"hinawakan ni Erin ang magkabilang pisngi ng bata saka pinunas ang mga luha nito pagkatapos ay niyakap nita ng mahigpit ang bata.
"Kailangan na naming umalis."kumalas si Erin sa yakap at tumayo pero nang gawin ito ni Erin ay lalong humagulhol sa pag iyak si Edward, parang pinipiga ang puso ni Erin sa tuwing naririnig niya ang iyak ng bata.
"Sister alagaan niyo po sila."sabi ni Erin saka niyakap ang madre.
"Wag kang mag alala Erin nasa mabuting kalagayan ang mga bata salamat sa inyo."
Kumalas si Erin saka nagpaalam na sa mga bata,nang papalabas na sila ay hahabulin pa sana ni Edward si Erin pero pinigilan siya ng madre,ang pag iyak ni Edward ay parang katulad ng iyak na iniwan siya ng kanyang mga magulang. Muling nagbigay ng tingin si Erin dito saka kumaway sa mga ito lalo na kay Edward.
Panay parin ang iyak ni Erin habang kumakaway sa mga ito,nang hindi na makayanan ni Jin na umiiyak si Erin ay niyakap niya ito.
"Sshh it's okay Erin."giit ni Jin habang nasa bisig niya si Erin at umiiyak.
Kahit na sa maikling panahon na nagkasama sila ng mga bata pakiramdam niya ay napakalapit ng mga ito sa kanya kaya ganon na lang kung humagulhol sa pag iyak si Erin.
"Tahan na Erin."hinimas na ni Jin ang likod ni Erin,dahil sa buhos ng luha ni Erin ay parang nababasa na ang dibdib ni Jin.
Nang mapagod sa kakaiyak si Erin ay humiwalay siya kay Jin,namumugto naman ang kanyang mga mata sa kaiiyak sabay hikbi. Nawala na ang mga bata sa labas at marahil ay pinapasok na sila ni Sister Rose at ng receptionist.
![](https://img.wattpad.com/cover/115351168-288-k819892.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Novela JuvenilErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...