Chapter 44:Aftermath
Arian's POV
"Leiro what the hell just happened? Bakit nakalusot ang ganong detonator sa security?"sermon ko sa mga tauhan ko, ang sabi kasi nila mahigpit ang security nila pero may nakalusot parin.
"Sir ang sabi kasi ng lalaki kanina kayo daw po ang nagpadala ng importanteng bagay na yon sa bag kaya hindi na namin binuksan for inspection."halos mapa face palm naman ako.
"Sa susunod kapag may nasabi na ako ang nagpadala or whatsoever call me para hindi na mangyari ulit ito understand all of you?"
"Yes Sir."halos sabay nilang sabi.
"Okay hawak na ng mga pulis ang lalaking yon so before kayo bumalik sa mga pwesto niyo gamutin niyo muna ang mga sugat niyo."
Oo nga naman, may halaga naman sakin ang mga tauhan ko at hindi naman ako ang klaseng boss na pabaya, sa laki ng katawan ng mga tauhan ko eh hindi nila magawang patumbahin ang lalaking yon, gosh they need more training.
"Magpapadala ako ng medic para makasiguro na ayos lang ang mga katawan niyo."I said.
"Sir wag na konting suntok lang naman ang natamo namin kaya ayos lang ito."sabi ni Dela Torre.
"Kayo Sir baka may masakit sa inyo nakita kasi namin kung paano kayo makipaglaban sa lalaking yon."giit naman ni Reyes.
"Wag ako ang alalahanin niyo kayo ang unang natumba kaysa sakin kaya asikasuhin niyo na kung ano man yang nararamdaman niyong sakit."
"Sige Sir ayos na kami salamat na lang."Leiro. Tumango na lang ako.
Imbes na katawan nila ang atupagin nila eh ako pa ang pinakikialaman ng mga to, kahit na sila pa ang sumugod sakin kulang pa sila, ilanh sandali pa ay biglang sumulpot si Gly sa tabi ko.
"O Gly what's up?"
"I just spoke with the police at nalaman ko ang pangalan ng lalaking nanggulo kanina, his name is Frederick Barrientos."
"So did he spill something? Sinabi na ba niya kung sino ang boss niya?"
"Unfortunately he's hard, hindi siya umaamin kahit na anong gawin ng mga pulis."
"Alam ko ang ganyang klaseng tao, aamin din yan o kung hindi man, siguro malakas itong boss niya kaya hindi siya umaamin, dahil kapag umamin siya alam niyang didispatyahin siya nito kung nagkataon." Matigas talaga tong lalaking to.
"Aside from that, are you okay? Hindi ka ba nasaktan kanina? Pasensya na kung hindi agad ako pumunta at tinulungan ka."
"I'm fine Gly, alam ko naman na hindi niya tayo kakayaning dalawa, kung ako nga nagawa ko siyang patumbahin single handedly tayo pa kaya?"
"I guess so."
"Sige babalik na ako sa kanila."nagpaalam na ako sa kanya saka pinuntahan sina Erin.
About Gly halos magkasabay lang kaming nagtraining nito pero nauna lang siya sakin kaya hindi ko alam kung mapapatumba namin ang isa't isa kapag nag one on one match kami, who knew?
Pagbalik ko ay nakita kong nasa combined table sina Erin,Seth,Kuya,Teo,Jin,Noah,Clyde,Zandro, Ace,Eva,Lina,Syl at Elise. Parang nagpatawag sila ng emergency meeting dahil sa itsura nila habang nag uusap. And I'm surprised dahil kinakausap na ni Kuya si Jin, nagkasundo ata ang dalawa o well halos magkapareho naman sila ng ugali nito.
"O ayan na pala si Arian."sabi ni Ace.
Lumapit ako at umupo sa bakanteng silya.
"So what's up? Mukhang busy kayo ah."sabi ko saka kinuha ang baso ng tubig at uminom.
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
JugendliteraturErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...