Chapter 46:Shootout

1.2K 38 4
                                    

Chapter 46:Shootout

Pagdaan nina Arian at Erin sa locker ay nagtataka si Arian dahil panay ang tingin ng mga schoolmates nila sa kanila, ang alam ni Erin ay tungkol ito sa pagpapakilala sa kanya bilang anak ni Antonio kaya nagsisitinginan sa kanila ang mga ito pero iba ang pakiramdam ni Arian dahil habang nakatingin ito sa kanila ay siyang ding tingin nila sa mga cellphones nila.

"Ano ba yan hindi tuloy ako makalakad ng mabuti."Arian.

"Hmm dahil sa mga tingin nila? Alam mo masasanay ka din alam mo naman kung ano ang nangyari kagabi diba?"Erin.

"Hindi eh kakaiba kasi ang mga tingin nila, hello hindi naman lahat ng mga istudyante sa dito eh nakapunta ng party no."

"Ay dedmahin mo na lang sila."

Pero hindi parin makampante si Arian sa mga tingin nila kaya nang madaanan nila ang dalawang istudyante ay agad na hinablot ni Arian ang cellphone ng lalaki, nagulat si Arian nang makita niya ang video na pini-play sa facebook.

"A-ah Arian diba ikaw yang nasa facebook? Viral na ang video mo may nag upload kasi."sabi ng may ari ng cellphone.

Napapikit si Arian sa inis saka binalik sa lalaki ang cellphone nito.

"Sino naman kaya ang makitid na utak na nagkalat ng video ko?"inis na sabi ni Arian.

"H-ha? Bakit anong meron?"

"Yung nakipagsuntukan ako kagabi remember? My gosh kalat na ang video."

"Talaga? Geez eh di instant celebrity ka na ngayon niyan?"

"Sa tingin mo matutuwa ako?"bigla na lang umalis si Arian.

"Huy Arian san ka pupunta?"

"Reremedyuhan ko ang problema."sagot ni Arian saka tuloy tuloy na naglakad.

Papunta si Arian sa computer room dahil ite-trace at iha-hack niya ang account ng kung sino ang nagkalat ng video. Nang bumalik si Arian sa paglalakad ay hindi niya napansin ang sumalubong sa kanya kaya nabangga niya ang mga ito, sa lakas ng pagkabangga ay natumba si Arian.

"Ouch!"sabi niya sabay hawak sa bewang niya.

The people around them gasped because of what happened.

"Sa susunod kasi wag kang tatanga tanga."sabi ng lalaki kaya tumingala si Arian.

Ngayon lang niya nakita ang mga pagmumukha ng mga ito dito sa school kaya hindi na siya magtataka kung hindi man siya kilala ng mga ito, pero ayos lang dahil wala din naman siyang balak makipagkilala sa mga ito.

"S-sorry."sabi ni Arian.

Umalis na sila pero naiwan ang isa sa kasama nito at inalalayan nitong itayo si Arian.

"Ayos ka lang ba?"tanong nito.

"Yeah I'm fine geez what a jerk."

"Pasensya ka na kay Keiran he's a little bit harsh you know."

"Talaga? Hindi ko napansin ah."may pagkasarcastic ang tono ni Arian.

"Ako nga pala si Tony, Tony Strauss."nilahad nito ang kamay niya.

"Arian nga pala, Arian Del Rosario."nakipagkamay siya dito.

"Nice meeting you Arian, again ako na ang humihingi ng pasensya para kay Keiran."

"Sige ayos lang."

"I'll go then."

Pinilit ngumiti ni Arian kahit na naiinis parin siya, hinatid na lang ng tingin ni Arian si Tony habang naglalakad ito pabalik sa mga kaibigan nito.

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon