Chapter 6:Jin's SlaveErin's POV
Kasalukuyan akong nakatayo sa malaking pintuan ng bahay nina Jin at dahil hindi ako sanay na makapunta sa bahay ng mga mayayaman ay napalunok na lang ako dahil sa nakikita,matapos i park ni Patrick yung kotse ay pinagbuksan niya ako ng pintuan,yeah Patrick ang name niya nagka chikahan kasi kami kanina sa loob ng kotse.
Pagbukas ng pinto ay halos mapanganga ako sa nakita dahil sobrang laki ng bahay ni Jin,sa laki nito eh parang isang palasyo na ito dahil sa mga estatwa na naka display at ang mga nagsilakihang paintings ng mga pamilya ni Jin napukaw din ang atensyon ko sa napakalaking chandelier na parang matutulis na yelo ang disenyo nito,nagmistulang palasyo ang mansyon ni Jin dahil may pulang carpet sa hagdan. Ilang sandali pa ay lumapit sa akin ang isang katulong na sa tingin ko eh mga nasa thirties na.
"Naghihintay na po si sir Jin sayo." Giit nito saka kinuha ang dala kong bag"nandito siya."sabi nito at lumakad sumunod naman ako sa kanya hanggang sa narating namin ang pool at nakita namin si Jin na patalikod habang nakapamulsa ito.
"Sir nandito na po siya." Humarap samin si Jin with his face expressionless. Umatras naman ang katulong dahil lumapit si Jin sakin,ano ba to parang ginagawa naman akong alay nito sa halimaw.
"You're probably wondering kung bakit kita pinasundo,first it's because it's part of our deal na gagawin mo ang anu mang pinag uutos ko sayo that's why you're here and second nandito ko to serve me. Just me." Uhh what's the differences between the first one?"Got it Erin?"tumango na lang ako kahit na gusto ko pang makipagtalakan sa lalaking ito.
"U-uhh sir I think may kailangan akong isauli sayo." Tumalikod ako saka lumapit sa katulong at binuksan ang bag ko saka kinuha ang kanyang black leather coat"here."inabot ko ito sa kanya"it's clean and cozy."kinuha niya ito mula sakin.
"Good,yaya pakihatid na siya sa kanyang kwarto." Utos nito.
"Sige po,dito tayo." Umalis na ang yung yaya at sumunod naman ako,pero ramdam ko ang mga titig ni Jin habang papalayo ako sa kanya,nakakainis ka Jin! Hindi ko pa nga alam kung may sahod ako mula sayo eh napapayag mo na agad ako na magsilbi sayo,Erin talaga why so kitid the utak?
"Ako nga pala si Mariella tatlong taon na ako dito." Pakilala ng katulong sakin.
"Erin po." Sagot ko.
"Nagtataka lang ako kung bakit ka kinuha ni sir Jin eh hindi naman kumukuha ng basta basta ng katulong yung mommy at daddy niya at sa isang agency lang sila kumukuha gaya namin."sabi ni Mariella.
"Tatlong taon na kayo dito diba so sa tingin ko alam niyo na ang ugali ng sir Jin niyo." Napaisip naman ito.
"Ah Oo naman pero ano ba ang dahilan bakit ka niya kinuha?" Huminga na lang ako ng malalim at sinalaysay sa kanya ang ginawa kong pagpapakabayani sa kaibigan ko ay hindi pala pagpapakabayani pagpapakamatay pala yung ginawa ko,tumango na lang si Mariella nang marinig niya ang dahilan kung bakit nahulog ako sa impyerno.
"Nako swerte naman ng kaibigan mo at sinalo mo siya kilala ko kasi si sir Jin gagawin niya ang lahat para maghirap ang kaaway niya." Uh kaaway?
"Kaaway ba ang tingin mo sakin ate? Eh aksidente nga ang nangyari sakin."
"Pasensya ka na ah,pero sasabihin ko ito sayo kaya makinig ka,good luck na lang sayo sa pagsisilbi dyan kay sir Jin dahil hindi magiging madali para sayo ang pagsilbi mo sa kanya,halimaw yan si sir." Napalunok na lang ako sa sinabi niya,thank you ate ha? Papatayin mo ata ako sa kaba nito.
"Hindi naman literal na halimaw siya no?"
"Ano ka ba hinde ang ibig kong sabihin eh masama ang ugali niyan mas mabuti pa yung kapatid niya si ma'am Eva." Speaking of Evanora nandito ba siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/115351168-288-k819892.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Teen FictionErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...