Chapter 9:Bullied

2.8K 85 5
                                    


Chapter 9:Bullied

Erin's POV

Parang nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan at sa wakas ay umalis na rin si Papa sa school it seems that his visiting hour is over buti naman because I can't endure to keep on hiding from him. Break time na at lumayas ako sa grupo ni Jin dahil habang kasama ko sila eh parang nauupos na ang katawan ko sa ilang sa kanila.

Habang naglalakad ako papunta sa fountain ay may humarang sakin na tatlong babae,sa itsura ng mga ito eh aakalain mo na inubos nila ang isang lipstick dahil sa kapal at pula ng mga labi nila.

"Well well look who's here ang ambisyosa at gold digger na si Erin." Hold on they know me?

"Yeah at kita mo naman lumayo siya sa grupo nina Jin para makapag isip ng panibagong plano para landiin ang grupo nila." Giit ng babae na nasa kaliwa.

"Excuse me." Akmang lalampasan ko sila nang bigla na lang akong hawakan ng isang babae sa braso ko.

"Aba wala kang respeto ah kinakausap ka pa namin gold digger!"sigaw ng babae sakin,look who's talking.

"Please ayaw ko ng gulo pwede bitiwan mo na lang ako?" Babawiin ko na sana yung braso ko pero mahigpit ang pagkahawak nito sakin.

"Kung gusto ko pala bakit anong gagawin mo? Manlalaban ka? Ang kapal ng mukha mo eh isang hampas lupa ka lang naman!"

Pero hind ko inaasahan ang sunod na ginawa ng isang babae dahil bigla na lang dumapo ang kamay niya sa pisngi ko,napatingin ako sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal ng babae sakin,pilit kong kinokontrol ang galit ko dahil hindi alam ng mga ito na hindi sampala ang igaganti ko sa kanila kundi suntok.

"Oh ano lalaban ka? Eh wala ka naman pala eh loser!"sigaw niya sakin,hindi ko naman sila tiningnan dahil pag nakita ko ang mga mukha nila eh baka mamarkahan ko ang mga mukha nito at babalikan ko talaga ang mga walang hiyang mga ito.

"Girls iwan na natin yan tara baka magka wrinkles lang tayo diyan." Bigla akong tinulak ng babae dahil napalakas ito ay natumba naman ako at nabitawan ko ang bag ko.

Tumulo ang luha ko nang makita kong umalis na sila,ganito na ba talaga ako ngayon? Nagpapa api na lang sa kanila kahit na hindi totoo ang mga sinasabi nila laban sakin. I'm so stupid to let them harm me kahit na hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni Mama kahit noong bata pa lang ako,pero ano to? Hinayaan ko lang na ibang tao ang manakit sakin.

Pinahid ko na ang mga luha ko na nag uunahan sa pagbagsak. It's okay to cry Erin,one day matitikman din nila ang pakiramdam ng isang naaapi,kinuha ko na ang bag ko saka tumayo at pinapak ang sarili dahil may mga lupa na ang dumikit sa damit ko.

Third Person's POV

"I want you to make him feel miserable." Giit ni Jin matapos niyang sabihin sa grupo ng babae ang dapat gawin kapag nakita nila si Erin,hindi man halata pero deep inside eh parang sasabog sa inis si Jin dahil kay Erin.

"You got it Prince Jin basta ikaw gagawin naming lahat." Nasa malanding tono ang pagkasabi ng babae na pinaka leader nila.

"Good now go he might be wandering somewhere at pag nakita niyo siya be sure to do what I say." Tumalikod na si Jin at umalis.

"Let's go girls we got work to do." Umalis na din sila at nagsimula nang gawin ang pinapagawa ni Jin to find Erin and make him feel miserable.

Erin's POV

Parang bumabagal ang takbo ng oras dahil parang ilang oras na akong nakatambay dito sa fountain at iniisip ang mga sinabi ng mga babaeng naengkwentro ko kanina. They call me a gold digger kahit na hindi ito totoo pero kahit papano ay kumakalma ang pakiramdam ko dahil sa tubig na dumadaloy sa fountain,it feels relaxing at panandalian kong nakakalimutan ang mga problema. Patuloy kong minamasdan ang tubig hanggang sa may nagsalita.

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon