Chapter 51:Jin's Plan
"Arian may sasabihin sana ako sayo, hindi ko kasi nasabi kay papa."sabi ni Erin habang nasa mall sila at bumibili ng mga gamit para kay Alyana
"Sure ano pala yon?"abala naman sa pagpili si Arian.
"About doon sa kumpanya nina Elise."
Tumingin si Arian sa kanya."what about that?"
"Nangako kasi ako na tutulungan ko sila para hindi na matuloy ang kasal nila ni Darrion."
"Well bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Hindi ko kasi nasabi kay papa."
"Ba't hindi mo sinabi? Di bale ako na lang ang bahala, ano ba ang problema?"
"Papalugi na kasi ang kumpanya nila kaya yung kasal lang ang naiisip nilang gawin para masalba ang kumpanya nila."
"Yan lang ba? O sige I will schedule an appointment."
"Ha? Ikaw talaga? Bakit marunong ka ba sa negosyo?"
"Erin honey ako ata ang may hawak sa ADL Mall at iba pang negosyo ni Tito."
"What!?"nanlaki ang mga mata ni Erin"seryoso? Yung ADL Mall ikaw ang nagpapatakbo?"
"Yup you got it sweetcakes."
"Pero pano? Ang hirap kaya non."
"Nag training ako para dito Erin, all my life I was preparing for this, dahil isa tayong Del Mundo maraming negosyo ang pamilya natin."
"Well that's a relief, so pwede mong tulungan si Elise in no time."
"Ah ah!"tinaas ni Arian ang hintuturo niya at niwave at tila nagsasabing hindi pa pwede.
"Kailangan ko pang magsabi kay Tito bago ako mag decide, he is still my superior."
"S-so ano na?"
"Don't worry dahil kapag nalaman niya na ikaw ang nag request papayag din yun."
"Salamat Arian at nandito ka, so pano ba yan ikaw na ang magiging adviser ko."
"Hmm I guess so."pinagpatuloy nila ang pamimili ng gamit para sa bata.
"Hindi ko kasi kaya na makitang nag aaway ang dalawa."
"Naging malapit ka na talaga sa mga Emperors no?"
"Hindi na sila iba sakin kahit na hindi masyado maganda ang naging simula ng pagkakaibigan namin."
"I know Elise and her family's company, maganda ang takbo ng kumpanya nila and I almost include the Montenegro Inc. As our competitor kaya medyo nagulat ako dahil malapit nang malugi ang business nila."
"Ganon talaga siguro minsan nasa taas ka at minsan din nasa baba ka."
"Pero tutulungan naman natin sila, gusto mo sumama ka sakin sa appointment ko sa dad niya."
"Sige sasama ako para naman magkaroon ako ng kaalaman tungkol sa business nakakainggit ka naman kasi, buti ka pa marami nang alam."
"Mabuti naman at nagkakainteres ka na sa business."
"Alam mo namang wala akong takas dahil ako lang naman ang nag iisang anak ni papa."
"Just don't think this as a burden Erin dahil wala pa ang mga grandparents natin buo na ang DM Industry kaya dapat lang na alagaan natin ito."
"Kaya nga, all I can do is prepare na lang. Teka masyado naman atang marami ang binili mo."
"Kulang pa to, gusto ko lang na ibigay sa bata ang lahat, kawawa naman kasi dahil ulila na sa mga magulang."
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Ficção AdolescenteErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...