Chapter 42:Night of Revelation
Kalahating oras na lang ay magsisimula na ang party kaya naman ay nagsidatingan na ang mga invited na guests. Nandoon na ang mga parents nina Noah,Teo,Ace at Clyde.
"Guys saan na si Jin?"Ace.
"Ewan ko dun hinihintay pa ata si Erin."Noah.
"Pupunta din ba si Erin?"Teo.
"Nako pupunta yun lahat ng student,parents at mga faculty members ay invited malabong hindi makakapunta si Erin."Ace.
"Hintayin na lang natin sila."Clyde.
"O ayan na pala siya eh."nakita ni Noah na paparating si Jin kasama ang Mama at Papa nito.
"O akala namin hindi ka na pupunta."Clyde.
"Pwede ba yun?"
"Hi Tita."bati ni Clyde sa ina nito, ngiti lang ang tinugon ni Lucy dito.
Napansin ni Clyde na iba ang expression ng mukha ni Lucy, yung parang napilitan lang itong sumama sa event kahit na imbitado sila. Little did they know na kaya ganito ang mukha ni Lucy ay alam niya kung kaninong anak ang ipapakilala ni Antonio ngayon. Ito ay walang iba kundi kay Thalia ang dating kaibigan niya na trinaydor siya kahit na walang katotohanan ang mga sinabi niya kay Thalia.
"Is this going to take long? I need to go home."Lucy.
"Lucy ano ba kakarating lang natin dito aalis ka agad? Don't tell me Lucy na hanggang ngayon eh hindi parin mamatay matay ang issue na yon?"Leandro.
"I'm just not in the mood Leandro okay?"
"Whether you like it or not magkikita at magkikita kayong mag best friend ngayong gabi."
"Thalia's not my best friend Leandro!"dahil sa napalakas ang pagsabi ni Lucy ay narinig ito ng kanyang anak.
"Wait Mom did I just hear Thalia?"tanong nito.
"W-why ano naman ngayon?"Lucy.
"T-that's Erin's Mom."
Napako ang paningin nina Leandro at Lucy sa anak.
"What? That Erin your assistant?"Lucy.
"Yeah siya nga bakit what's wrong?"
"Ano ba ang family name ni Erin Jin?"Leandro.
"Del Mundo Dad."halos mahimatayin naman si Lucy dahil sa natuklasan.
Ibig sabihin ang taong kasama nila sa bahay ng halos isang buwan ay walang iba kundi ay ang anak nina Antonio at Thalia? Nanginginig ang dalawang kamay ni Thalia at hinawakan ang braso ni Leandro.
"I know Lucy."giit ni Leandro nang makita ang ekspresyon ng mukha ni Lucy.
"Jin I'll look for a table, iwan na muna namin kayo."sabi ni Leandro saka umalis na silang mag asawa.
"I don't know Jin but, there's something wrong with Tita Lucy."Clyde.
"Yeah I noticed that too pero bakit naman ganon ang magiging reaction ni Mama nang sabihin ko sa kanya about kay Erin."
"Na curious lang ako, what's with Erin by the way? Ano ang ginawa niya pati ng Nanay niya kay Tita Lucy at ganon na lang siya?"
"I don't know Clyde kahit na ano ang matuklasan ko kay Erin hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa kanya."
"Lakas ng tama mo kay Erin ah by the way where is he?"
"Yan nga eh ilang minuto na lang magsisimula na pero ang sabi niya mauna na daw ako."

BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Novela JuvenilErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...