Chapter 50:Funeral
Nang makauwi si Arian sa bahay ay boses ng ina ang narinig niya, alam na niya kung ano nanaman ang ginawa ng kapatid niya.
"For the love of God Benedict kailan ka ba talaga titino!?"
"Pwede ba ma pagod ako wag ngayon."
Pagbukas ng pinto ay pareho silang napalingon.
"Arian buti nandito ka na etong kapatid mo nakipagaway nanaman sa school."
"Ano nanaman ba ito kuya? Pwede ba kahit isang araw lang wag mo munang bigyan ng sakit ng ulo ang mga tao dito sa bahay?"
"Sige pagtulungan niyo ako tutal dyan naman kayo magaling diba?"
"Ba't hindi mo na lang gayahin itong kapatid mo Benedict? Kahit na nineteen pa lang ang kapatid mo eh nagawa na niyang maging responsable."
"Eh kasi nga hindi ako siya at tsaka pwede ba ayokong maging katulad niya."bigla na lang mag walkout si Benedict.
"Benedict ano ba kinakausap ka pa namin!"pahabol ng ina pero hindi nakinig si Benedict.
"Hayaan mo na siya ma."
"Ano na lang ang gagawin ko eh kahit anong pangaral ang gawin natin diyan sa kapatid mo eh hindi na ata magtitino."
"Siguro kapag tinigil na ninyo ang pagkukumpara saming dalawa maybe he'll stop doing nasty things."
"Anong ibig mong sabihin?"
Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay lihim na nakikinig si Benedict sa kanila.
"Stop camparing us! Dahil kahit ako ay nahihirapan na ding makinig sa mga pagkukumpara niyo saming dalawa. Maybe you put a lot of pressure on him kaya siya nagkakaganyan, Kuya's right, dahil hindi kami magkapareho kung ako nakaya ko ang mga ginawa sakin then I think tama nga talaga siya. Mas mabuti pang hayaan na lang natin kung ano ang gusto niya nang sa ganon eh hindi na siya mag rebelde, sapat na ako ang maging halimaw sa pamilya but please! Wag niyo nang dagdagan pa."umalis na si Arian at umakyat na.
Papasok na sana siya sa kwarto pero nakita niya ang kapatid niya na nasa tabi ng pintuan at sa tingin niya ay narinig nito ang naging pag uusap nila ng kanyang ina.
"W-what?"ito lang ang nasabi ni Arian saka pumasok na sa loob ng kwarto.
"Jin buti naman at nandito ka na."wika ni Lucy nang dumating si Jin.
"Bakit is there something wrong?"
"May sasabihin ako sayo, kagabi ko pa sana gustong sabihin pero ayaw kong masira ang gabi mo."
"Ano pala yon?"
"D-diba anak si Erin ni Antonio... Then you probably know his mom right?"
"Yeah."
"Napansin mo ba na pilay siya?"
"Hold on... Bakit ko alam?"
"Jin you need to stay away from Erin!"
"Why? Bakit mo sinasabi yan sakin?"
"Dahil mangaagaw si Thalia Jin! Inahas niya sakin ang Dad mo pero hindi siya nagtagumpay dahil nahuli ko siya!"
"Pano mo nasabi yan? Eh kasal nga sila ni Sir Antonio."
"Hindi mo kilala si Thalia Jin she will do anything para makuha niya ang gusto niya!"tumaas na ang boses ni Lucy.
"Sa ganong itsura ni Tita Thalia magagawa ba niya ang mga pinagsasabi mo? Come on she's kind sana naman wag kang gumawa ng kwento."
"That's my point! Kaya siya napilay dahil sakin..." Napatigil si Lucy.
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Teen FictionErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...