Chapter 33:The Valentine's Party

1.4K 36 0
                                    

Chapter 33:The Valentine's Party

Umaga pa lang ay aligaga na si Jin na magising kahit na mamayang hapon pa gaganapin ang party,pinaayos niya ang damit na susuotin niya mamaya at gusto niyang maayos ang kanyang itsura kapag nakita siya ni Erin.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

Alas otso pa lang ng umaga ay sunod sunod na katok ang naririnig ni Lina sa pintuan nila,bagong gising si Lina at humihikab pa habang papunta sa pintuan.

"Sandali lang!"sigaw niya,pagbukas ng pintuan ay tumambad sa kanya ang isang babae isang lalaki,well nung kinilatis ito ni Lina ay isa pala itong bakla.

"Good morning po kamu po yung pinapunta ni Sir Erin dito yung aayos po sa inyo."sabi ng babae.

"Pambihira naman tong si Erin oh masyado pang maaga ah,sige tuloy na muna kayo."pinapasok niya ang mga ito.

Ilang sandali pa ay may tumawag sa cellphone ni Lina,dinampot niya ito at sinagot.

"Hello?"

"Magandang umaga Lina! Sleep well?"

"Walang hiya ka talaga Erin masyado pang maaga para papuntahin mo ang mga makeup artist dito ano ka ba."

"Mabuti nang maaga tsaka malaki ang binayad ko sa mga yan kaya kahit na buong araw sila dyan eh hindi tatanggi ang mga yan."

"Sira ulo ka talaga gumagamit ka talaga ng dahas."tumawa na lang si Erin sa kabilang linya.

"Oh sige na mag aayos na rin ako ng masusuot ko sige catch ya later Lina banana."sabi ni Erin saka binabaan na niya ito.

Pero ang totoo ay nasa salon si Erin,magpapatanggal kasi siya ng buhok sa buonh binti niya,medyo kinakabahan siya dahil wax ang gagamitin para isang beses lang nila tatanggalin ang mga buhok niya. Isang malakas na tanggal ang ginawa ng babae sa wax na nakadikit sa binti niya at dahil dito ay napasigaw ng malakas si Erin.

"Aaaaaahhhhhhhh!!"tanging sigaw ni Erin ang humalinghing sa loob ng salon habang si Seth ay pasimpleng tumatawa.

Matapos ang sakit na dinanas ni Erin ay halos hindi siya makalakad ng maayos dahil sa sakit.

"O pano ba yan makinis ka na nga pero parang bagong panganak ka naman."sabi ni Seth habang nakikita niyang hirap sa paglalakad si Erin.

"He! Manahimik ka nga dyan,I swear hindi na talaga ako magpapa wax."sumakay na siya sa kotse.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Isang oras na lang at pupunta na sila sa paaralan para sa malaking celebration ng Valentine kaya naman ay puspusan na ang pag aayos nila sa kanilang mga sarili.

Natapos na ang pag aayos kay Lina na lalo pang gumanda dahil sa makeup pero hindi naman gaanong mabigat ang nilagyan nilang makeup sa mukha ni Lina dahil maganda naman ang mukha niya kaya hindu na kailangan sementuhan ang mukha niya.

Habang ang mga lalaki ay panay ang ayos sa kanilang itsura sa harap ng salamin. Naisipan ni Jin na tawagan si Erin gusto kasi niya na siya ang sumundo dito. Naka ilang ring lang ang cellphone niya bago sumagot si Erin.

"Hello Jin?"

"Hello Erin magandang hapon."

"Good afternoon din napatawag ka?"

"Ah gusto ko lang sana na sunduin ka mamaya."

Lumingon si Erin kay Seth.

"Sorry Jin pero wag na salamat na lang,hintayin mo na lang ako sa school."

"Sayang naman gusto ko pa naman sana na sabay tayo."

"Don't worry may ibang pagkakataon pa naman,sige I have to go maghahanda pa ako."

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon