Chapter 52:The Half Sister

1.3K 36 0
                                    

Chapter 52:The Half Sister

Kasalukuyang nasa paaralan si Erin, doon kasi siya dumiretso dahil aligagang aligaga siya na sabihin kay Elise ang balita. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya na kasama ni Elise sina Eva, mukhang sumasabay na din si Lina sa mga ito.

"Hi guys!"napasigaw si Erin nang lumapit siya sa mga ito.

"Hi Erin!"halos sabay nilang sabi.

"May gusto lang akong sabihin kay Elise."

"Ano naman yun?"

"Well guess what? Dahil kay Arian hindi na matutuloy ang kasal mo!"

"Kaya pala tumawag siya kanina, bakit ano pala ang ginawa niya?"

"Well nag arrange siya ng meeting sa dad mo at nangako siyang tutulungan niyang ibangon ang company niyo."

"Really? Arian is capable of doing that?"Eva.

"Yeah at narinig ko kanina na nagpasok siya ng four hundred million sa kumpanya niyo."

"Di nga!? Nagawa yun ni Arian?"Elise.

"Eh alam ba ito ni Sir Antonio?"Syl.

"Yeah in fact si Arian ang nagpapatakbo ng kumpanya."

"Then bakit pa siya nag aaral kung nagta-trabaho na siya?"Lina.

"Ewan ko basta hindi na mahalaga kung ano ang nagawa ni Arian pati nga ako eh nagulat din ang importante eh hindi na matutuloy ang kasal mo."

"Thanks to you Erin, utang ko sayo ang lahat."hinawakan ni Elise ang kamay ni Erin.

"Kaibigan ko kayo at kapag may problema kayo, nandito lang ako para tulungan kayo."

"Ang bait mo talaga Erin ang swerte namin at naging kaibigan ka namin."Eva.

"Nako dahil sa sobrang bait ni Erin kahit bala sasaluhin niya para sa inyo."Lina.

"Hindi naman siguro literal na sasalo siya ng bala right?"sabi ni Syl saka tumawa sila.











"Anak buti at nakauwi ka na dito, may sasabihin ako sayo na ikakatuwa ko."sabi ni Matilda nang umuwi si Darrion sa bahay matapos maglayas nito.

"What is that?"

"Hindi na matutuloy ang kasal mo isn't it great?"abot hanggang tenga ang ngiti niya pero wala man lang reaksyon si Darrion.

"Hindi ka ba natutuwa anak?"

"Para saan pa? Wala nang dahil para maging masaya ako, dahil sa inyo nagalit sakin ang taong mahal ko! Kaya wala nang kwenta para magsaya ako. It's too late ma! Dahil hindi na siya babalik sakin!"matapos magbigay ng mga salita ay umakyat siya at pumunta sa kwarto, naiwan si Matilda na nanghihinayang.

Tumayo si Darrion malapit sa bintana habang iniisip si Erin, huli na ang lahat para sa kanya dahil kahit na hindi matuloy ang kasal ay hindi na siya kakausapin ni Erin. Masakit para sa kanya na galit sa kanya si Erin, kahit sa maikling panahon na magkakilala sila ay naging mahalaga na ito sa kanya, namuo ang luha sa kanyang mga mata dahil nanikip ang kanyang dibdib sa lungkot at sa huli ay hindi na niya nagawang pigilan ang luha na bumagsak.

"E-Erin."pangalan na lang ni Erin ang nasasambit niya dahil parang nawala na siya ng gana na magsalita.










Nalaman ni Gly na nasa opisina si Arian kaya hindi siya nagdalawang isip na puntahan ito at nagdala siya ng pagkain, magtatanghali na kasi naisip niya na baka nagugutom na ito. Pagpasok ni Gly sa building ay lumapit si Darwin sa kanya.

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon