Chapter 7:A compliment
Erin's POV
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo at tinungo ang kwarto ko,napaisip ako kung nasaan na kaya ang mga magulang ni Jin? At hindi ko ata nakita si Evanora dito,nagkibit balikat na lang ako at tsaka ano bang paki ko sa kanila?
Paglabas ko ay agad kong tinungo ang kusina baka nandoon si ate Mariella,hindi ako nabigo at nandoon ng siya kaya pinuntahan ko ito.
"Hi ate nagluluto ka?" Tanong ko sa kanya nang lumapit ako.
"Oo malapit na kasing maghapunan eh." Tumingin naman ako sa wall clock sa kusina,mag a-alas sais na pala ng gabi.
"Pwede bang tumulong?" Tumingin naman siya sakin.
"Sigurado ka?"
"Opo marunong naman akong magluto eh." Natuwa naman si ate sakin.
"Oh sige tutal kailangan ko naman ng tulong dito."
Kumuha ako ng isda sa ref at nilagyan ko ito sa lababo para palambutin saka nagsimula naman akong maghiwa ng bell pepper magluluto kasi ako ng escabeche,habang naghihiwa ako ay tinanong ako ni ate.
"Naligo ka ba?" Tiningnan ko naman yung buhok ko.
"Ah opo."
"Anong nangyari kanina? Narinig kasi namin na sumisigaw ka." Huminto ako sa paghiwa at dineretsp ko ang paningin ko.
"Wala naman po binitin lang naman po ako ng patiwarik at muntikan lang po ako mamatay sa lunod." Narinig ko na biglang binitawan ni ate yung kutsilyo.
"Ano? Sino-" tumigil siya,alam na siguro niya kung sino angngumawa"yang Jin talagang yan kahit kailan ang sama talaga ng ugali."sinabi mo pa.
"Pero may sa pusa naman po ako kahit na hindi ako marunong lumangoy."
"Wala lang talaga ang tatay niyam dito kaya nagagawa niya ang gusto niya nako pag nandito yun malamang nagkakagulo nanaman yang mag ama na yan."
"Bakit po san na pala yung mga parents niya?"
"May business trip daw at sa susunod na linggo pa daw makakabalik."
"Ate ano ba ang nangyari bat ganyan yung ugali ni Jin?" Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Tinanong ko parin kahit na alam ko kung ano ang rason kung bakit ganito kasama ang ugali ni Jin.
"Nako yang si Jin eh mabait na bata daw yan noon na kwento sakin ng dating kasambahay pero wala na siya kasi nag resign kaya daw naging ganyan si Jin eh dahil pine-pressure siya ng tatay niya dahil gusto nito na sumunod si Jin sa mga yapak niya,siya kasi ang panganay kaya sa kanya bumagsak ang responsibilidad ng kanilang negosyo para sa kinabukasan naman daw niya ito." Now I am so enlightened about Jin's evil attitude, kaya pala siya ganyan now you know.
"Malaki naman pala ang problema kaya siya ganyan,pero hindi parin excuse yan para gawin niya sakin ang mga bagay na yon kung hindi niya ako sinagip kanina malamang isa na lang akong malamig na bangkay ngayon."
Pinakiramdaman ko yung isda sa lababo nang malambot na ito ay isinalang ko ito sa plato pagkatapos ay binuksan ko ang gas stove at nilagay ko yung kawali para iprito yung isda,pinainit ko muna ito pagkatapos nilagyan ko ng oil at pinainit muna ito,nang makita kong mainit na ang mantika ay nilagay ko na ang isa.
"Pero ate dalawang buwan lang naman ako dito,hindi sana ako sasama kung hindi ako pinasundo tsaka may part time naman po ako." Giit ko habang hinihintay na ma prito ang isda.
"Talaga? Ang sipag mo naman ano pala ang trabaho mo?"
"Nagmemekaniko po ako." Halos malaglag naman ang panga ni ate nang marinig ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Novela JuvenilErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
