Chapter 1
17 years later
-
"Ma aalis na po ako mahuhuli naman ako nito." Paalam ni Erin sa kanyang ina.
"Teka anak baka makalimutan mo yung baon mo." Giit ng kanyang ina na lumapit sa kanya.
"Ay nako ma wag na may natira pa naman po ako dito hindi nama ako gaanong gumastos kahapon." Mariing tanggi ni Erin.
"Nako hindi pwede sige na tanggapin mo na ito baka kulangin ka sa pera."
"Si nanay talaga oh ang kulit sige na nga." Tinanggap na ni Erin ang pera."sige na ma alis na ako."humalik siya sa ina saka umalis na sa bahay.
Hindi kalayuan at hindi rin malapit ang paaralan nina Erin at kaya lang niya itong lakarin. Habang naglalakad siya ay bigla na lang may umakbay sa kanya.
"Ano ka ba Lina kung maka akbay ka naman parang gusto mo kong ibaon sa lupa niyan eh." Reklamo ni Erin.
"Sus ikaw namang bakla ka ang sensitive mo!"
"Oh eh ganon na talaga siya nga pala ano yung sabi ni boss na hindi ako pumasok?"
"Oks lang daw lagi ka naman nasa talyer eh naiintindihan ka naman ni Papa."
"Akala ko kasi baka galit na."
"Tss alam mo kung ano ano yung iniisip mo nag aalala nga si Papa baka magkasakit ka kasi halos wala kang pahinga sa pagta-trabaho eh."
"Ganyan talaga Mars kailangan ko lang talaga pera."
"Bakit hindi mo na lang tanggapin yung inalok ni Papa ng tulong."
"Ilang beses ba natin kailangan pag usapan ito Lina? Gusto ko kasi na-"
"Sa sarili kong pawis manggaling ang pera nako ikaw bakla ka puro ka prinsipiyo isantabi mo na lang muna kaya yan." Ulit ni Lina kay Erin.
"Ay basta!"
"Ikaw din baka masira yang kagwapuhan mo sa pagta-trabaho ilaw rin." Napapalo si Erin kay Lina.
"Isa pa yan hindi nga kagwapuhan ang tawag diyan,Kagandahan Lina! Kagandahan!" Pagklaro ni Erin dito.
"Alam mo ang arte arte mo magpakalalaki ka na kasi! Tingnan mo marunong ka mag mekaniko sayang naman yang itsura mo pag hindi ka nagpaka straight." Sa sinabi ni Lina ay napatigil si Erin.
Sumariwa kasi sa kanya ulit yung nangyari noon sa kanilang pamilya. Hindi tanggap ng pamilya ng tatay niya yung nanay niya pero nagsama parin ang mga ito kahit na maraming tutol sa pagsasama sa mga ito,pero ang mas sumira sa pamilya niya ay yung hindi siya tanggap ng kanyang tatay kasi bakla siya,iniwan sila ng tatay niya at muling bumalik sa pamilya nito,hindi naman niya ito pinigilan at sinabi pa niyang harap harapan dito na kaya nilang mabuhay kahit na wala siya.
"Huy bakla ayos ka lang?" Bahagya siyang niyugyog si Erin."may nasabi ba akong mali?"
"H-ha? E-eh wala a-ayos lang ako."
"Basta call me maybe lang pag may kailangan ka."
"Bahala ka nga diyan." Umabot na sila sa paaralan nila medyo maaga pa per marami rami na rin ang mga istudyante rito. Hindi pa nagsisimula yung klase nila kaya tumambay muna sila,nagbuklat naman ng notebook si Erin habang si Lina naman ay busy sa pagkalikat sa cellphone niya. Nagulantang sila nang biglang may babaeng tumili hindi kalayuan sa kanila.
"Jusko akala ko may terorista na." Giit ni Erin sa inis dahil nagulat siya.
"Hay nako nako nandyan nanaman siguro yung mga gwapong grupo."
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Teen FictionErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
