Chapter 14:Comfort

2.4K 69 7
                                        

Chapter 14:Comfort

Erin's POV

Kinabukasan ay sumabay ako kay Jin na papuntang school pero wala kaming imikan sa loob ng kotse hanggang sa makarating na kami sa school. Medyo maaga pa naman para magsimula ang klase kaya humiwalay ako kay Jin.

"Where are you going?"tanong niya nang nagtangka akong umalis.

"Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko."

"Right but bumalik ka agad."tumango ako saka umalis.

Agad kong pinuntahan si Lina at laking gulat ko dahil maaga siyang pumasok.

"Lina!"tawag ko sa kanya.

"Uy Erin buti naman at nakapunta ka dito."

"Pasensya ka na Lina ha pero hindi naman ako magtatagal may iaabot lang ako sayo."kinuha ko ang puting sobre at inabot kay Lina.

"Pakibigay naman kay Mama oh sabihin mo sa kanya sahod ko yan."

"Sige Erin makakarating ito kay Tita Thalia."

"Salamag Lina ah."

"Wala to tsaka ngayon ko lang na realize na mabuti ka palang anak."

"Ganon ngayon mo lang na realize? O siya balik na ko doon."

"Sige see you."

Tumalikod na ako saka naglakad pero sa di ko inaasahan ay ang magkasalubong kami ni Darrion,tumingin siya sakin pero umiwas ako saka tinaas ang isa kong kilay. Lalampasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Erin wait,are you still mad at me?"

Binawi ko ang braso ko saka nagsalita.

"What do you think?"hindi ko na siya pinagsalita dahil umalis na din ako agad. Magdusa ka diyan!

Nang makapasok na ako sa classroom ay nagulat ako dahil nakita ko si Clyde na nakaupo sa likuran ng upuan ko. Mag re-resume siya ng klase? Oh well why would I care?

"Good morning Erin."bati niya sakin nang umupo ako.

Lumingon ako ng bahagya at pilit na gumuhit ng ngiti sa labi ko. Gosh this day is full of surprises.

Matapos ang klase ay tumiwalag ako kanilang grupo kaya nakapag isa ako sa canteen. Kasalukuyan akong mag isa sa mesa at imbes na galawin ko ang pagkain ko ay notebook at ballpen muna ang hinawakan ko. Nakalimutan ko kasing gawin ang essay ko ipapasa ko pa kasi ito sa next period.

Nang malapit na akong matapos ay may lumapag sa harapan ko. Isa itong bottled juice pero may nakasulat ito sa harapan.

"I'm sorry"

Tumingala ako at nang makita ko kung sino ang taong yon ay nadismaya ako. Si Darrion.

"Erin can we talk?"tatayo na sana ako pero parang nakonsensya ako.

"Do I have a choice?"

"Please just hear me out."umupo siya sa harapan ko.

"Gusto ko lang kasing mag sorry sayo about what happened yesterday."

"Ano ba talaga ang nangyari sayo Darrion? Diba ang sabi ko okay at kaya ko ang sarili ko mahirap bang intindihin yun?"

"Nagi-guilty kasi ako dapat nga ako ang nasa posisyon mo na nahihirapan imbes na ikaw."

"Yeah nandiyan na nga tayo nagi-guilty ka pero sana maramdaman mo rin na ginawa ko ito para sayo,kakakilala pa nga lang natin eh may mangyayari na agad sayo? Wala ka bang bilib sakin Darrion? Hindi porke't ganito ako eh hindi ka na naniniwala sa kakayahan ko?"

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon