Millihelena

6.1K 170 10
                                    

Ang isinumpang bathala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang isinumpang bathala. Ang reyna at tagapamahala ng Revas, isang mahiwagang mundo kung saan nagsisimula, naglalakbay, at nagtatapos ang mga panaginip ng mga ordinaryo at mahihiwagang nilalang.

Taglay ni Millihelena ang kapangyarihan ng buwan at mga bituin. Gamit ang mga ito ay gumagawa siya ng mga panaginip para sa mga ordinaryo at mahihiwagang nilalang upang magpadala ng mga mensahe tulad ng mga babala sa kung ano ang mga magaganap sa hinaharap.

Bilang karagdagan, sinasabi rin na taglay ni Millihelena ang pambihirang kagandahan na kahit pa ang mga bathala ay hindi matatanggihan. Sa katunayan ay minsan nang naglaban ang mga bathala na sila Caelum, Ignis at Cephius para lamang makuha ang kanyang pagsinta.


Hindi ito ikinatuwa ni Emperius, ang hari ng mga bathala. Bilang parusa ay ikinulong niya si Millihelena sa isang mundo na malayo sa kaharian ng mga bathala nang sa ganoon ay walang sinuman ang makakakita at mahuhumaling sa kanyang pambihirang kagandahan.

Ngunit sa kabila ng pagkakabilanggo ay nagagawa pa rin ng isinumpang bathala na makita ang mga kaganapan sa mundo ng mga mortal at mahihiwaga gamit ang kanyang "Millera", isang mahiwagang salamin na binuo ng makapangyarihang panday na si Ignis, bilang regalo sa kanya.

Gamit ang Millera ay nalaman niya ang naging kapalaran ni Ignis. Nangako siya na ipaghihiganti niya ito at hindi niya bibigyan ng katahimikan ang mahiwagang nilalang na pumaslang sa bathalang kanyang sinisinta, maging ang mga minamahal nito sa buhay.

Maisasakatuparan nga ba ng isinumpang bathala ang kanyang mga balakyot na hangarin?

Abangan...

Dagdag Kaalaman: Ang Millihelena ay hango sa salitang "Millihelen" na siyang metric o panukat sa kagandahan/kakisigan ng isang tao noong unang panahon.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon