Austin
Habang nakatunghod sa sahig ay inayos ko ang sintas ng suot kong sapatos. Sinigurado ko na mahigpit ang pagkakasintas ko dito. Tumayo ako pagkatapos at sandaling pinagmasdan ang paligid.
Ngayon ang isa sa pinakahihintay na araw sa AAA...
Ang Registration para sa Grand Battle of the Houses.
Lahat ng mga estudyante na gustong mag-register para sa grand event ay tinipon sa harap ng pinakamalawak na kagubatan sa loob ng Academy, ang Great Forest of Beth.
Ang mga estudyante ay nakasuot ng kani-kanilang battle gear. Nasa mukha rin ng bawat isa na handa na sila para patunayan na karapat-dapat silang maging bahagi ng annual event.
Inaamin ko na kinakabahan ako. Kahit na sinubsob ko na ang sarili ko sa mahigit isang linggong pagt-training, pakiramdam ko eh hindi pa rin ito sapat.
"Hey Austin, handa ka na ba?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yun.
Si Yesha.
Dahil mula siya sa House of Emerald Bearers eh kulay dark green ang tema ng suot niyang battle gear. Dark green na body fit sweater na may mga white na linya bilang disenyo sa kwelyo at mga manggas. Kulay itim naman ang pantalon at brown na boots.
Bagay na bagay sa kanya ang kasuotan niya. Ngumiti muna ako bago sumagot sa kanyang tanong.
"Oo."
Malaki ang pasasalamat ko kay Yesha. Siya ang nag-encourage sa'kin na sumali sa grand battle. Siya din ang tumulong sa training ko.
"That's good to hear." Magiliw niyang sabi.
"Pero kinakabahan pa rin ako." Pag-amin ko.
"Normal lang naman kabahan eh. Basta just do your best and enjoy!" Yung pagkakasabi niya nun parang wala man lang siyang kaba na nararamdaman.
Confidently beautiful with a heart.
"Teka si cheche yun ah..." Sabi niya habang tumitingin sa ibang direksyon. Tumingin ako at hinanap si Cielo.
"Cheche!" Napalingon si Cielo sa direksyon namin.
Ang gwapo niya.
Bale color blue naman ang tema ng battle gear niya kasi nga galing siya sa House of Sapphire Gifted. Naglakad siya papalapit sa'min.
"Sinabi ko na sa'yo na wag mo kong tawaging cheche." Pagsusungit niya kay Yesha.
"Kahit na ano pang sabihin mo, you will always be Cheche." Tumawa si Yesha. Yung tawa na walang bukas.
Kung titingnan parang bagay sila ni Cielo...
Gwapo si Cielo. Maganda naman si Yesha.
Parehas silang magaling sa hand to hand combat.
Parehas na matalino.
Ewan pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang bigla akong nalungkot sa idea na bagay sila.
"Salve Iri, Bearers, Gifted, et Cursed!"
Napalingon kaming lahat sa harap ng Great Forest of Beth. May sampung S-Class na nandoon at kabilang na sila Sage Rosetta at kuya Es na nandun. Bale nakalinya rin sila paharap sa'min. Lahat sila suot yung mga Saviesa nila.
"Una sa lahat ay nais ko kayong pasalamatan lahat para sa pakikibahagi sa ating annual grand battle of the houses."
Bale yung nagsasalita eh si Sage Rosetta. Siya yung magiging emcee namin ngayong araw pati na rin yung iba pang s-class na kasama niya.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...
