Austin
Pinagmasdan ko ang mga kasama ko.
Nasa kanan bahagi ko si kuya Es na katabi naman ang anghel niya na si Yeqon.
Sa kanan ni kuya Es naman nandoon si Daddy at si Uncle Jairus.
Sa kaliwa ko nandun si Headmaster Luigi.
Lahat kami eh nakapalibot kay Jules Matthew.
Si Papa kasama niya yung mommy ni Tito Jairus. Sila kuya Winter at kuya Summer kasama yung iba pa eh nasa kabilang bahagi ng building kung saan sila nagpapahinga matapos makipaglaban kay Jules Matthew.
Inaamin ko. Pambihira ang lakas at kapangyarihan na meron si Jules Matthew. Kahit na ang mga S-Class mage tulad nila kuya at ang makapangyarihan na si Tito Magnus eh natalo niya nang wala man lang kahirap-hirap.
Naki-usap ako kay Deirdre na hayaan akong mag-take over nung nakita ko ang kalagayan ni Cielo matapos niya akong protektahan sa atake ni Jules Matthew. Pumayag naman siya.
Marami nang nagawa si Deirdre para sa'kin. Ngayon naman ang tamang panahon para makabawi ako sa kanya at sa iba pa na nag-sakripisyo para lang sa laban na 'to.
"Nakakatawa kayong lahat..." Nakabawi ako mula sa malalim na pag-iisip nang narinig ko ang boses ni Jules Matthew.
"Kailangan niyo pang magtulungan para lang makalaban ako na nag-iisa lang naman." Dagdag pa niya.
"Ayun na nga eh, nag-iisa ka na lang sa laban na 'to. Bakit hindi ka pa sumuko? Bakit hindi mo pa itigil ang lahat ng 'to?" Tanong ni kuya Es.
Matagal bago nakasagot si Jules Matthew kay kuya Es. Nakatingin lang siya dito nang ilang sandali.
"Sa tingin mo ba dapat na 'kong sumuko?" Tanong ang sagot niya sa tanong ni kuya Es.
Yung pagkakasabi ni Jules Matthew sa tanong na 'yun eh para bang kapag sinabi ni kuya Es na sumuko na siya eh gagawin niya.
"Alam niyo lang ang kwento ko pero hindi niyo maiintindihan ang sakit na nararamdaman ko kahit kailan."
Hindi ko alam kung ano ang nakaraan ni Jules Matthew pero nasabi sa'min ni Elijah na anak siya ni Headmaster Luigi. Ginagawa niya ang lahat ng 'to para maipaghiganti ang pagkamatay ng nanay niya at ang pag-abandona ni Tito Luigi sa kanya.
"Walang magandang maidudulot ang paghihiganti." Si Tito Jairus naman ang nagsalita.
"Sa simula lang 'yan masaya. Sabihin mo, ano ang gagawin mo pagkatapos nito?" Si Daddy naman ang sunod na nagsalita.
Tahimik lang si Jules Matthew habang kinakausap siya nila Daddy. Sa tingin ko eh napapaisip na rin siya kahit paano.
"Kung nabubuhay man ngayon ang nanay mo ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ang lahat ng 'to?" Pahabol na tanong ni Daddy.
Biglang nagbago yung timpla ni Jules Matthew nung narinig niya yung tanong na 'yun ni Daddy. Bumalik yung mga nanlilisik niyang mga mata.
"Ayun na nga ang problema eh. Wala dito ang nanay ko para malaman ko kung ano ang mararamdaman niya at dahil 'yun sa walang kwentang lalaki na 'yan!" Puno ng galit niyang pagkakasabi sabay turo kay headmaster Luigi.
Tahimik lang si Tito Luigi. Puno ng panghihinayang yung mga titig niya kay Jules Matthew.
"Hindi mo ba ko mapapatawad, anak ko?" Tanong ng headmaster gamit ang paos na boses.
"Wag mo kong tawagin na anak!" Kasabay ng pagsigaw ni Jules Matthew eh ang paglagablab ng cosmic fire sa mga kamay niya.
"Nabuhay ako nang walang ama at mamatay ako na walang ama!" Lumaki ng lumaki yung cosmic fire hanggang sa nagkaroon ito ng anyo ng isang babae na may mahabang buhok.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasíaMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...