Eighteen

2.8K 135 15
                                    

Austin

Nandito ako sa school cafeteria. Kanina pa ko nakatingin sa pagkain na nasa plato ko. Wala pa 'tong bawas.

Kanina bago ako pumasok sa school, sinubukan kong kausapin si kuya Winter pero ayaw niya akong pansinin. Galit pa rin siya dahil sa paglilihim ko sa kanya.

Hinanap ko kaagad si Yesha pagdating ko sa school para sana may makausap pero wala siya. Sabi sa'kin ng mga classmates ko eh hindi rin daw siya pumasok kahapon.

Ilang araw na rin siyang wala sa klase. Ano kaya nangyari sa kanya?

Tumingin ako sa paligid. Marami pa rin ang nakain. Mabuti pa na umalis na lang ako dito tutal wala rin naman ako gana kumain eh.

Binitbit ko yung bag ko at tumayo. Mabilis akong lumabas ng cafeteria.

Habang naglalakad eh napansin ko yung suot kong bracelet.

Yung Loras.

Bigla ko tuloy naalala si Kuya Jasper.

Kamusta na kaya siya?

Kung alam ko lang na ang suot kong bracelet ang magiging dahilan para makulong siya sana hindi ko na lang 'to tinanggap. Sana kasama ko pa rin si Kuya Jasper. Sana may nagpo-protekta sa'kin sa lahat ng oras.

Sana masaya ako.

Huminto ako sa paglalakad sandali. Nilibot ko ang tingin sa paligid at naghanap ng basurahan. Nang may nakita ako eh lumapit kaagad ako dito.

Hinubad ko yung Loras sa kamay ko at akmang itatapon sa basurahan nang napahinto ako.

Tama ba na gawin ko 'to?

Bakit ba kasi binigay sa'kin ni Kuya Jasper itong Loras? Ano ang dahilan niya?

Ang sabi sa'kin ni kuya Es ay magic item daw ito. Ano naman kaya ang kaya nitong gawin?

Sa halip na itapon, pwede kaya na ibalik ko na lang 'to sa tunay na nagmamay-ari nito?

Sa ganung paraan makakalaya na kaya si kuya Jasper?

Aaahhh!

Napasabunot ako sa buhok ko sa dami ng tanong na tumatakbo sa isip ko. Sinuot ko na lang ulit yung Loras at nagpatuloy sa paglalakad.

Napahinto ulit ako nang may nakita akong lalaki na nakatayo sa harap ng fountain. Pamilyar siya sa'kin.

Tama!

Si Cielo!

Yung weirdong lalaki na tumulong sa'kin dun sa music hall. Pero hindi rin naman siya mabait talaga kasi ayaw niyang ibigay sa'kin yung necklace na bigay sa'kin ni kuya Winter.

Naiwala ko yun nung pumunta ako sa music hall at pinakinggan siyang kumanta. Kinabukasan hinanap ko rin yung necklace pero ayun na nga, napasabak pa sa gulo.

Tapos malalaman ko na lang na siya pala yung nakapulot nung necklace. May nalalaman pa siyang "finders keepers, loosers sucks."

Hays

Hays ulit.

Buti na lang hindi niya ako mapapansin sa kinaroroonan ko. Pero ako malaya ko siyang mapagmamasdan.

Inaamin ko na gwapo siya. Neat and tidy look. Ganun.

Kabaligtaran ni Kuya Jasper na parang slacker rebel.

Isa pa sa nakakamangha kay Cielo eh yung maganda niyang boses. Dalawang beses ko na siyang narinig kumanta at masasabi ko na nakakahipnotismo talaga ito.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon