Four

3.4K 161 6
                                    

Austin

"Good afternoon class. Before we start with our discussion, I would like to introduce your new classmate, Mr. Austin Dale Aragoncillo..."

Halos hugutin ko ang hininga ko nung marinig ko ang pangalan ko mula kay Mrs. Dela Cuesta, ang class adviser namin. Parang jelly yung mga binti ko habang pumapasok sa loob ng classroom. Hindi ko inaalis yung tingin ko sa sahig hanggang sa makarating ako sa gitna.

"Mr. Aragoncillo, can you tell us something about yourself?"

Hala may introduce yourself portion talaga? Kung nandito si kuya Jasper aangal kaagad 'yun. Tiyak sasabihin niya..

"Ayoko nga! Ano 'to High School?"

Napangiti ako dahil sa naalala ko. Bumalik lang ako sa reality nung nagsalita ulit si Ma'am.

"Mr. Aragoncillo?"

Tumingin muna ko ko kay ma'am. Tapos sa mga classmates ko. Ang weird sa pakiramdam kapag maraming matang nakatingin sa'yo.

Wew. Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita.

"H-hi..."

Ugh. Austin, wag kang mauutal. Wag kang mauutal!

"I'm A-Austin... P-please be n-nice to m-me."

Ugh!

Please-Be-Nice-To-Me

Ano ba naman 'yan?

Bakit kasi wala man lang ako kahit kaunting confidence katulad nila kuya eh.

Hays.

Hays ulit.

"O-oo n-naman A-Austin. W-we w-will b-be n-nice t-to y-you. HAHAHA!"

Exaggerated na panggagaya sa'kin ng isa kong classmate. Tumawa siya ng malakas na sinundan pa ng pagtawa ng iba ko pang classmates.

Akala ko hindi na ulit ako makakaramdam ng panliliit tulad sa AAA. Pero mali ako.

Kinagat ko yung labi ko para hindi ako maiyak. Tinuon ko ulit yung tingin ko sa sahig. Sinubukan ko na magbingi-bingihan sa mga tawa nila kahit mahirap.

"Hoy Arlo! Tigilan mo nga si Austin!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yun at nakita ko ang isang napakagandang babae na nakaupo sa third row sa kaliwang bahagi ng room.

"Eh bakit ka ba nangingi-alam, Yesha? Nagkakatuwaan lang naman kami." Depensa nung lalaking nanggaya sa'kin. Arlo pala ang pangalan niya. Tapos Yesha naman pangalan nung babae na nagtatanggol sa'kin.

"Eh gusto niyo pala magkatuwaan, bakit hindi 'yang pagmumukha mo ang pag-usapan natin? Tutal mukha ka namang bubble gum na nginuya ng dalawang araw."

Mas malakas ang naging pagtawa ng mga classmates ko dahil sa sinabing 'yun ni Yesha. Nakita ko sa mukha ni Arlo na napahiya siya. Wala siyang nagawa kungdi ang manahimik na lang.

"Class that's enough." Pagsaway ni ma'am sa amin.

"Ma'am, pwede po ba sa tabi ko na lang umupo si Austin?" Tanong ni Yesha sa teacher namin.

"There's no problem with that for me. Ikaw ba Mr. Aragoncillo, would you like to sit beside Ms. Avila?"

Tumingin muna ako kay ma'am bago kay Yesha. Ang ganda talaga niya. Mukha naman siyang mabait at isa pa eh pinagtanggol niya ko.

Tumango ako kay ma'am bilang tugon. Pagkatapos nun eh pinaupo niya ako sa tabi ni Yesha.

"Mr. Aragoncillo, please make sure na makahiram ka ng notes with your classmates para maka catch up ka sa mga discussions na namiss mo, ok?"

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon