Austin
Lumapit sa'kin sila Daddy at Papa. Tumunghod sila para alalayan ako. Kahit na bumibigat na ang paningin ko eh pinilit ko na manatiling gising. Hindi ito ang oras para maging himatay queen ako.
Sabay sabay namin tiningnan kung sino yung bumaril sa'kin. Mula sa madilim na bahagi ng silid eh lumabas ang isang pamilyar na babae na may hawak na baril.
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
"Yesha?" Nanghihina kong sabi.
Huminto siya sa paglalakad at nanatili sa kinaroroonan niya na malayo sa amin. Binaba niya ang baril na hawak niya. Tiningnan niya ako na para bang may gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi niya magawa.
"Pero bakit?" Tanong ko sa kanya. Nasa tabi ko sila Daddy at Papa.
Si Tito Jairus naman eh nakatayo sa likuran namin kasama ang ina niya. Si Headmaster Luigi naman eh si Jules Matthew ang inaalalayan. Wala pa rin siyang malay.
"I'm sorry Au..." Walang buhay na sabi ni Yesha.
Ilang sandali pa eh may iba pa na pumasok sa silid. Tiningnan ko kung sino sila.
Si Tito Zachary, yung Daddy ni Yesha. Kasama rin niya ang asawa niya na si Tita Melissa at ang panganay nilang anak na si Kuya Yael.
Nakilala ko sila nung pinuntahan ako ni Yesha sa school clinic pagkatapos nung registration sa grand event. Hinanap ko siya para ibalik yung purse niya at doon ko nakita ang pamilya niya.
"Mr. Avila, ano ang ibig sabihin nito?" Tanong ni Tito Luigi sa Daddy ni Yesha.
"It all ends here." Naguguluhan ako sa sinabi ni Tito Zach.
May nilabas si Tito Zach sa mga kamay niya. Mga kulay silver na bola na kasing laki ng golf ball. May maliit na kulay pulang ilaw na nagb-blink sa gitna nito.
Hinagis sa amin ni Tito Zach yung mga bola na 'yun. Bago pa man ito tuluyang tumama sa amin eh may kulay itim na tinta na tumama dito.
Sumabog sa ere yung mga bola na binato sa amin ni Tito Zach. Malalakas na bomba pala 'yun!
Biglang nagkaroon ng pader sa harapan namin na gawa sa crystal. Ito ang nagsilbi naming proteksyon mula dun sa impact nung pagsabog.
Dahil dun sa pagsabog eh nagkaroon ng makapal na usok na bumalot sa paligid. Gumamit ng hangin si Tito Jairus para hawiin yung usok.
Nung nawala ito eh nakita namin sa harapan namin sila Elijah at Sapphire.
Oo nga pala. Kinulong sila ni Jules Matthew kanina sa loob ng forcefield. Ngayon na wala na ang kapangyarihan si Jules Matthew eh nawala na rin yung forcefield na bumabalot sa kanila.
"Natatandaan kita..." Sabi ni Elijah kay Tito Zach. Matalim ang tingin niya dito.
"Hindi namin makakalimutan ang mukha mo kahit kailan." Si Sapphire naman ang nagsabi nun. Tulad ni Elijah eh matalim din ang tingin niya kay Tito Zach.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasíaMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...