Twenty Three

2.3K 127 7
                                    

Austin

Napakaingay ng mga tao sa paligid. Lahat eh halatang excited sa magaganap na event ngayong araw.

Sino ba ang hindi?

Nandito ako ngayon sa Grand Arena ng AAA. Tulad ng nakagawian na tuwing linggo, may Battle of the Houses ngayon at lahat ay hindi na makapaghintay na makita kung sino ang maglalaban.

Sa mga ganitong pagkakataon kasi naipapamalas ng mga estudyante ang mga kakayahan nila. Dito nalalaman kung sino ba talaga ang malakas.

Higit sa lahat, dito malalaman kung sino ba ang may potensyal na makasali sa pinakamalaki at engrandeng event ng AAA ngayong taon...

Ang Grand Battle of the Houses...

"Nakapili ka na ba ng uupuan?"

Napalingon ako sa nagtanong sa'kin at nakita na si Sage Rosetta pala ito. Nakangiti siya sa'kin.

"Wala pa po..." Tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Nagpapaunahan ang lahat na makahanap ng uupuan nila para makita ng mas maganda ang battle mamaya.

"Sumama ka sa'kin." Sabi ni Sage. Umalis siya na hindi man lang hinihintay ang magiging sagot ko.

Wala akong nagawa kungdi ang sumunod sa kanya.

Si Sage Rosetta ang nag-anyaya sa'min ng mga classmates ko na manood ng battle ngayon. Sa totoo lang, bawal ako dito sa Grand Arena dahil nga sa Curse ko pero nakiusap si Sage sa admin para payagan ako. Siya na daw ang bahala sa'kin.

Napakabait niya sa'kin at hindi ko alam kung bakit.

Bago pumunta dito sa Grand Arena eh bumalik muna ko sa penthouse para sana kuhain yung Loras na binigay sa'kin ni kuya Jasper. Naisip ko na kung susuotin ko yun eh hindi lalabas ang curse ko.

Pero kahit saan ako maghanap eh hindi ko ito makita. Nakakahiya naman kung hindi ako babalik sa Grand Arena pagkatapos makiusap ni sage sa admin para lang makanood ako. Kaya nandito ako ngayon.

"Maupo ka sa tabi ko Austin." Sabi ni Sage Rosetta. Umupo siya tapos ako naman eh umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Nung nakaupo eh saka ko lang nalaman na nasa pinakaharap pala kami ng arena! Kasama namin ni Sage Rosetta yung ibang Sages!

Awkward.

Umayos ako ng upo tapos kinapa ko yung Promesa na suot ko. Hindi ako mapakali sa pwesto ko pero sinusubukan kong kumalma.

Sa paghawak ko sa Promesa eh parang kasama ko na rin si papa. Kahit papaano eh gumagaan ang loob ko.

Sobra ko na talaga silang miss.

"Ok ka lang Aragoncillo?" Tanong ni Sage Rosetta. Marahil nalahata niya yung pagiging aligaga ko.

Tumango tango ako sa kanya bilang sagot. Nilaro laro ko yung mga daliri ko sa kamay tapos nagfocus na lang ako dun sa arena.

Wala naman ako dapat ipangamba. Elementor si Sage Rosetta. Hindi gumagana ang curse ko sa mga elementor kaya if ever man na may mangyari na hindi maganda, eh mapipigilan niya ko.

"Salve Iri Gifted et Cursed!"

Sabi ng isang lalaki na may hawak na isang mikropono. Meron siyang pakpak ng isang anghel na gawa sa bakal. Lumipad siya at pumunta sa gitna nung stage.

"Ako si Jason, ang magsisilbi ninyong emcee para sa petmalu na battle ngayong araw. Excited na ba kayong lahat!?" Tanong pa niya.

Anong sabi niya? Petmalu?

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon