Austin
"Who wants to explain what's written in the board?"
Nandito ako ngayon sa classroom namin dito sa Maestro, ang crown jewel ng AAA. Almost one week na rin nung bumalik ako dito hindi lang para mag-aral, kungdi para na din sa kaligtasan ko.
Almost one week na pero wala pa rin balita kung nasaan na ang pamilya ko. Sa ngayon, ay nags-stay ako sa penthouse ni kuya Es. Sobra akong nagpapasalamat sa pag-aalaga niya sa'kin.
Hindi ko itatanggi, sobrang miss ko na sila papa at daddy, si kuya Summer at lalo na si kuya Winter.
Kahit na isubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral at pagt-training, hindi pa rin sila nawawala sa isip ko.
Sana bumalik na sila sa'kin.
"Aragoncillo..."
Bumalik ako mula sa malalim na pag-iisip nang tinawag ako ng sage namin para sa History, si Sage Rosetta.
Tumingin ako sa kanya, tapos sa mga classmates ko, lahat sila nakatingin sa'kin at ang awkward sa pakiramdam.
"Aragoncillo, pwede mo bang basahin kung ano ang nasa board?" Tumingin ulit ako kay sage. Nakangiti siya sa'kin.
Tumayo ako at inayos ang uniform ko. Tiningnan ko ang board at binasa kung ano ang nakasulat dito tulad ng utos ni sage.
"Hex." Pagbasa ko dito.
"Pwede mo bang i-explain sa amin kung ano ang alam mo tungkol sa hexes?" Kasunod na tanong ni Sage Rosetta.
Lumunok muna ko bago sumagot. Ayokong tingnan yung mga classmates ko kasi ang weird sa pakiramdam na madaming mata na nakatingin sa'yo.
"Hexes are the presence or forms of fragmented attributions..." Simula ko.
"May mga gifts at curses na walang concrete presence. Tinatawag po natin yung fragments. Dahil wala po itong konkretong presensya, nagiging destructive ang epekto ng mga gifts at curses na ito. Para maiwasan ito, gumagamit tayo ng hexes para magkaroon ng form ang attributions natin."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni sage, mabilis akong umupo pabalik sa upuan ko pagkatapos kong mag-explain. Nakakakaba talaga.
"Good job! You explained it very well Mr. Aragoncillo." Papuri ni sage Rosetta.
"I'll give an example kung ano ang hexes..." Dagdag pa ni Sage.
Nilahad niya ang kanan niyang kamay at mula dun ay may lumabas na kulay green na apoy.
"Taglay ko ang Curse of Pyric Spectrum..." Simula niya.
"Kaya kong kontrolin ang anumang uri ng apoy. Mas puro ang kulay, mas malakas." Nagsimulang magbago bago yung apoy. Mula sa pinaka light, hanggang sa pinaka matingkad na kulay nito na green.
"Noong bata pa ko, nagawa kong sunugin ang buong bayan namin dahil hindi ko pa kontrolado ang curse ko. Mabuti na lang at walang nasaktan. Nag-aral ako sa AAA pagkatapos at doon ko napag-aralan ang curse ko. Nagdecide ako na gumamit ng hexes."
Kasabay ng pagpapaliwanag ni Sage Rosetta eh nagkaroon ng hugis yung apoy niya. Naging malaking ibon ito at lumipad lipad pa palibot sa classroom namin.
"Lawin ang napili kong gawing hexes para magamit ko ang curse ko ng mas maayos." Pagtatapos niya.
Dumapo yung ibon dun sa kaliwa niyang balikat at nakakapagtaka na hindi man lang nasunog yung damit na suot ni sage. Parang hindi din siya napapaso.
Nagpalakpakan yung mga classmates ko dahil sa pagkakamangha sa pinakita ni Sage Rosetta.
"Maliban sa akin, ang iba pa na kilala sa paggamit ng hexes ay ang mga magulang ni Austin." Napatingin ako kay sage dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko din na tiningnan ulit ako ng mga classmates ko.
Ang awkward talaga.
"Ang ama niya na si Rigo Aragoncillo ay may Curse of Petrification, at gumagamit siya ng mga itim na paru-paro bilang hexes. Ang ina naman niya na si Aleera Conception ay may Curse of Allurement at gumagamit siya ng rose petals bilang hexes."
Narinig ko na nagbubulungan yung mga classmates ko. Kung anuman yun eh hindi ko alam pero kakaiba talaga sa pakiramdam. Ayoko talaga na napag-uusapan.
"How about you Austin?" Tanong sa'kin ni Sage.
Tiningnan ko lang siya. Nakangiti pa rin siya sa'kin.
"Plano mo ba na sundin ang yapak ng mga magulang mo? Naiisip mo rin ba na gumamit ng hexes para makontrol mo ang curse mo katulad ng iyong mga magulang?"
Natahimik ako sa tanong niya na 'yun. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Kung tutuusin, magandang ideya yun dahil fragmented ang curse ko. Sa tuwing gumagamit ako ng Fear Illusion eh nadadamay ang iba kahit na hindi ko gustuhin.
Maaari nga na gumamit ako ng hexes.
Tumingin ako kay Sage. Nakatingin pa rin siya sa'kin. Naghihintay ng isasagot ko sa tanong niya.
"Uhm..."
Sasagot na sana ako nang biglang tumunog yung bell. Hudyat na tapos na ang klase namin kay Sage Rosetta para sa araw na ito.
"Class dismissed..." Sabi ni sage. Mabilis na tumayo ang mga classmates ko at inayos ang mga gamit nila. Sunod-sunod silang lumabas sa silid.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako tumayo. Malapit na akong lumabas ng pinto nang bigla akong tinawag ni Sage Rosetta.
Huminto ako at lumingon sa kanya.
"I can help you, Austin. You have so much potential. Sabihin mo lang sa'kin at tutulungan kita na ma-maximize ang curse mo." Sabi niya. Kahit yung ibon niya na gawa sa apoy na nakapatong sa balikat niya eh nakatingin din sa'kin.
"Salamat Sage."
Hindi ko naman gusto na maging rude pero wala na akong masasabi pa kaya nagpatuloy na ako at lumabas na sa silid.
At habang naglalakad papunta sa susunod kong klase eh hindi pa rin maalis sa'kin ang mga nalaman ko kanina.
Ang paggamit ng hexes ang nakatulong kay Sage Rosetta, kay Daddy at kay Mommy na magamit ng maayos ang mga curse nila.
Kung ang paggamit ng hexes ang magpapalakas sa'kin...
Handa akong pag-aralan ito...
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
ФэнтезиMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...