Eleven

2.8K 144 26
                                        

Maru

"Sampung minuto..."

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Winter kahit na nagsimula nang magsalita si Wayla. Buhat buhat ko si Winter at nasasaktan ako na makita ang kalagayan niya. Nagpapabago bago ang katawan niya mula sa normal na magiging water body, normal tapos water body ulit.

Dahil ito sa lason na mabilis na kumakalat sa katawan niya. Kailangan kong makuha ang lunas para dito.

Hindi ako handa na mawala sa'kin si Winter at hindi ako magiging handa kahit kailan.

Tumingin ako kay Wayla. Kilala ko siya at alam ko ang kakayahan niya.

"Meron na lang siyang sampung minuto para mabuhay Maru." Simula niya ulit. Naiirita ako sa ngiti niya.

"Ang lason na ginamit sa kanya ay tinatawag na Zehir. Ang tinaguriang 'Mother of all Poisons'. Isang uri ng lason na may metallic properties kaya hindi madaling tanggalin sa katawan. Wag ka ng umasa na makakaligtas pa ang Winter na 'yan."

"Ibigay mo sa'kin ang lunas para sa lason na 'yan Wayla at hahayaan kitang mabuhay." Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya.

"Hahaha. Wala ka pa rin pinagbago Maru Salvatore. Mataas pa rin ang tingin mo sa sarili mo, iniisip na lahat ay mapapasunod sa mga gusto mo."

Tulad ng sinabi ko eh kilala ko si Wayla. Dati ko siyang kamag-aral sa AAA. Isa siya sa pinakamalakas sa klase namin.

Malaki ang naging paghanga niya kay Jasper pero hindi siya nagustuhan nito. Nasaktan siya at umalis sa AAA. Hindi na namin siya ulit nakita pa simula noon.

Hanggang sa napag-alaman namin na kasama na pala siya sa isang makapangyarihang organisasyon.

"Kung hindi mo ibibigay sa'kin ang panlunas, wala akong magagawa kungdi ang talunin ka, katulad noon." Pagbabanta ko. Dahan-dahan kong ibinaba si Winter at maayos ko siyang inihiga sa sahig.

Malinaw sa'kin kung ano ang kakayahan ni Wayla pero handa akong lumaban para kay Winter.

"Hindi na ako ang dating Wayla na kilala mo Maru."

"Napansin ko nga, naging mas maingay ka." Pambubuska ko.

Hindi ko na hinintay pa ang atake niya. Ginamit ko na kaagad ang isa sa mga paborito kong attributions.

"Judgement of the Phoenix!"

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Tiningnan ko ang assasin na katabi ni Wayla. Siya ang nanlason kay Winter.

Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata ko... Wrong move...

"Aaahhh!" Sigaw nung assasin.

Nasusunog ang buo niyang katawan ng kulay asul na apoy. Nagsisimula ito sa pinakaloob ng katawan niya at lumalabas ito dito hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng apoy ko.

Bumagsak siya sa sahig at naglupasay. Sumisigaw ito sa sakit. Hinahampas hampas niya ang sarili, nag-aakala na sa ganitong paraan ay titigil ang pagtupok sa kanya ng apoy. Pero wala na siyang magagawa.

Dahil ang lahat ng titingin sa mga mata ko ay matutupok ng apoy hanggang sa maging abo ito. Iyan ang kayang gawin ng Judgement of the Phoenix.

Nakita ko ang paglaho ng assasin na tinawag ni Wayla. Nang tuluyan na siyang nawala eh si Wayla naman ng tiningnan ko. Mabilis siyang pumikit at yumuko para umiwas sa tingin ko.

Alam niya ang attribution ko na ito. Alam niya na wala siyang magagawa.

"Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo kay Winter. Walang ibang makakapagpasaya sa'kin kungdi ang makita ang mga abo mo Wayla."

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon