Rigo
Mabilis na nagbago ang tagpo ng panahon. Ngayon ay nandito ako sa isang munting silid kung saan pinapatulog ni Moira ang anak na si JM. Nakahiga ang malambing na bata sa lap ng kanyang nanay habang sinusuklay naman ni Moira ang manipis nitong buhok.
"Mama, kwento ka po ulit ng tungkol kay papa." Kahit na malalim na ang gabi eh mulat na mulat pa rin ang mga mata ni JM.
"Ano naman ang gusto mong malaman tungkol sa Papa mo?" Nakangiting tanong ni Moira sa inosenteng anak.
"Magkamukha po ba kami?"
"Magkamukha? Hmm? Hindi eh. Gwapo kasi ang Papa mo." Pagbibiro ni Moira. Halata naman na kamukhang-kamukha ni JM ang ama niya na si Luigi.
"Ibig sabihin pangit po ako?" Nagpout pa si JM habang tinatanong 'yun.
"Joke lang. Haha. Kamukha mo po ang Papa mo." Simula ni Moira.
"Tapos parehas din kayong matalino. Parehas kayong mabait. At higit sa lahat, parehas kayong makulit." Kiniliti ni Moira si JM kaya binalot ng tawanan ang kwarto nila.
"Sana po nakilala ko si Papa bago siya kinuha ni Papa God." Medyo malungkot na sabi ni JM.
Sinabi pala ni Moira sa anak niya na patay na si Luigi. Siguro yun ang paraan niya para hindi na hanapin pa ng bata ang ama niya.
"Mama, parehas din ba kami ni Papa na may special powers?" Nagulat ako sa tanong na 'yun ni JM.
"Hindi ko alam anak. Pero di'ba sabi sa'yo ni Mama wag mo na gagamitin ang powers mo?" Mahinahon na sabi ni Moira.
"Sorry po Mama. Minsan po kasi hindi ko makontrol ang powers ko. Bigla na lang po pumapasok sa isip ko yung mga naiisip ng ibang tao." Paliwanag ni JM.
"Pero yung isip mo Mama, hindi ko po nababasa. Bakit?"
"Hindi ko din alam anak. Sana alam ko ang lahat ng sagot sa mga tanong mo."
Niyakap ni JM ang ina. Binalik naman ni Moira ang yakap na 'yun. Nasa mukha niya ang pagtataka.
Kung ganun eh hindi niya alam na isang bearer si Luigi at dahil dun eh automatic na naging bearer na rin ang anak nila.
"Sige na JM, matulog ka na." Yun lang at pinatulog na ni Moira ang anak niya.
Ilang sandali pa eh biglang may kumatok sa main door. Nagtataka man eh bumangon si Moira at iniwan ang natutulog na anak para alamin kung sino ang bisita nila sa ganitong oras.
"Sino 'yan?" Tanong ni Moira. Binalot niya sa kanyang leeg ang kulay puti niyang scarf.
Wala namang sumagot pero nagpatuloy pa rin sa pagkatok ang nasa kabilang bahagi ng pintuan. Mas lumakas pa nga ang katok niya.
"Sino 'yan?" Muling tanong ni Moira. Malayo siya sa pintuan. Nagdadalawang isip na buksan ang pinto.
Muling kumatok yung nasa kabilang pinto. Mas malakas na para bang itutumba na nila yung payak na pintuan.
"Mama. Ano pong nangyayare?" Lumabas sa silid si JM na kinukusot kusot pa ang mga mata. Halatang nagambala ng ingay ang pagtulog niya.
Hindi naman sumagot si Moira. Pinalapit niya si JM sa kanya at parehas silang tumingin sa pinto. Ramdam ko na kinakabahan si Moira.
"Tatlong lalaki." Sabi ni JM na ipinagtaka ni Moira.
"May tatlong lalaki sa labas Mama. Nakakatakot po sila." Napayakap ng mahigpit si JM sa nanay niya.
Mind Reading. Nalaman ni JM kung sino ang mga nasa labas dahil sa gift niya na mabasa ang isip ng mga ito.
"Anak, alam mo ba kung ano ang kailangan nila?" Tanong ni Moira. Natatakot siya pero ayaw niyang ipakita ito sa kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...