Forty Three

2.5K 140 25
                                    

Khalil


Halos marinig ko na ang pagtibok ng puso ko sa nakakabinging katahimikan na bumabalot sa buong paligid.

Nasa harap namin si Jules Matthew at nararamdaman ko ang napakalakas na uri ng kapangyarihan mula sa kanya.

Alam ko na malakas siya. Nakita ko na noon kung ano ang mga kakayahan niya. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na natalo niya ang konseho ng AAA na pinamumunuan nila Grandmaster Julian at Matteo.

"Walong taon..." Simula niya.

"Walong taon ang hinintay ko para sa pagkakataon na 'to. Hinding hindi ako papayag na mabasura lang ang lahat ng pinaghirapan ko." Dagdag pa niya.

Nakita ko na nakahanda pa rin ang iba para sa kung anuman ang magiging pagkilos ni Jules Matthew.

Sa kanang bahagi ang pamilya ni Magnus. Kasama niya si Minerva, Jasper, at Es.

Sa kaliwang bahagi naman sila Jairus. Kasama niya sila Alvira, Cielo, at Sapphire.

Kami naman ng pamilya ko ang nasa gitnang bahagi. Nasa harap ang kambal kasama ang mga kasintahan  nila  habang katabi ko naman si Rigo at Austin. Kasama rin namin si Elijah.

Sa likod naman namin nandun si Luigi na yakap yakap pa rin ang mga magulang niya na walang malay.

"Pakawalan mo kami JM. Tutulungan ka namin na tapusin sila." Sabi ni Santi na katulad ng iba niyang kasamahan eh nakagapos sa sahig.

Tiningnan siya ni JM. Wala itong naging anumang tugon sa paki-usap ng kaibigan.

"Ano pa ang hinihintay mo dyan?" Medyo iritableng tanong ni Santi.

"Hindi..." Nakakapagtaka nitong sagot.

"Hindi na kayo dapat madamay dito. Tama na ang mga naging pagtulong niyo sa'kin." Sa unang pagkakataon ay nakita ko si JM na ngumiti. Pero nakikita ko rin na may pait sa mga ito.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" Si Santi ulit.

"Ako ang tatapos sa sinimulan ko. Ako lang at wala nang iba." Tinutok ni JM ang kanan niyang kamay sa direksyon nila Santi.

Ilang sandali pa eh binalot sila Santi, Wayla, Markus, at Chester ng pabilog na forcefield. Lumutang sila sa ere at unti-unting umaangat ng pataas ng pataas.

"Anong ginagawa mo JM?" Tanong ni Wayla.

"Inilalayo niya tayo dito." Si Santi na ang sumagot base sa nakikita niya.

Walang anumang sinabi si JM. Patuloy lang siya sa pagkontrol sa globo ng forcefield kung nasaan ang mga kaibigan niya.

Pinapalutang niya ang mga kaibigan niya papunta dun sa dingding kung saan nahulog sila Grandmaster Julian at Matteo.

"JM! Wag mong gawin 'toh! Hayaan mo kaming tulungan ka!" Naiiyak na paki-usap ni Wayla.

"Aaahhh!!!" Binabangga naman ni Santi yung forcefield na nakabalot sa kanya. Umaasa na makakawala siya rito.

Tiningnan ko si Jules Matthew. Parang may gusto pa siyang sabihin sa mga kaibigan niya pero di niya magawa.

Patuloy pa rin sila Santi sa pakiki-usap kay Jules Matthew na pakawalan sila nito para makatulong pero hindi sila pinakinggan ng kaibigan. Hanggang sa tuluyan na silang umangat palabas sa headmaster's building gamit yung nasirang dingding.

Nung  nakita ni Jules Matthew na nakalayo na ang mga kaibigan niya eh saka niya lamang binalik ang tingin sa amin.

Planado ang ginawa niya. Sinira niya yung dingding sa pagpasok niya dito sa headmaster's building at ginamit niya yun para patakasin ang mga kaibigan niya.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon