Rigo
Sinundan ni JM si Es. Nakita niya ito na kumukuha ng pictures ng iba pang paintings dito sa exhibit.
"Es!" Pagtawag ni JM. Lumingon naman si Es. Dahan dahan siyang nilapitan ni JM.
"Oh JM, bakit?" Pansamantala munang itinigil ni Es ang pagkuha ng pictures.
"Uhm."
"..."
Nagtama ang tinginan nilang dalawa. Kahit na madilim sa kinaroroonan nila eh nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni JM.
"Sorry." Paghingi ng tawad ni JM.
"Bakit?"
"Hindi ko 'to gustong gawin. Pero kailangan. Para sa mga kaibigan ko."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Sasama ka sa'kin."
Nung sinabi 'yun ni JM kay Es eh nakaramdam ako ng kakaibang uri ng kapangyarihan. Bigla na lang natulala si Es at parang wala sa sarili.
Hinawakan ni JM ang kamay nito at hinila palabas sa exhibit. Hindi gumawa ng anumang pagtutol si Es.
Mukhang ginamitan siya ni JM ng Brainwash. Isang attribution na may kakayahang kontrolin ang isip ng isang tao at paniwalain ito sa mga sinasabi mo.
Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa parking lot. May isang van na naghihintay sa di kalayuan.
Pumunta sila doon. Ilang sandali pa eh may nagbukas nung van at may lumabas na isang lalaki dito na armado ng baril.
"Siya na ba yung ipinapa-utos ni boss?" Tanong nung lalaki.
Tumango si JM. Malungkot niyang tiningnan si Es na nakatulala lang sa kawalan.
"Good. Isakay na 'yan para madala sa headquarters." Sumakay ulit yung lalaki sa van.
"Matulog ka muna Es." Ayun lang at biglang nakatulog si Es. Sinambot siya ni JM at maingat na ipinasok sa loob ng van.
In-start nung driver yung van. Si JM naman eh isinandal ang ulo ni Es sa balikat niya para dito patulugin.
"Sorry Es. Sorry talaga"
++++++++++
"Sino ba 'yan JM?"
Nanggaling ang tanong na 'yun kay Santi. Tulad ng dati, lahat sila ay nasa loob ng kulungan.
"Es ang pangalan niya." Sagot naman ni Jules.
Nakahiga si Es sa isang kama at ang kandungan ni JM ang unan niya. Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin itong natutulog.
"Para siyang babae. Ang puti at ang kinis ng balat niya." Hahawakan sana ni Santi yung braso ni Es pero pinigilan siya ni JM.
Hindi naman umangal si Santi sa ginawa ni JM. Tumahimik na lang siya.
"Sa tingin mo, ano ang kailangan ng boss sa kaniya?" Si Sapphire naman ang nagtanong.
"Hindi ko din alam eh."
"Sa tingin ko, magiging katulad din natin siya. Hindi naman magkakainterest sa kanya ang boss kung ordinaryong tao lang siya." Paliwanag ni Chester.
"Ano ang powers niya?" Tanong ni Wayla.
"Hindi ko din alam." Mahinahon na sagot ni JM. Siguro ayaw niyang magambala ang tulog ni Es.
"Bakit hindi mo alam? Di'ba kaya mo namang basahin ang profile ng isang tao gamit ang isip mo?" Pagtataka ni Santi.

BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasíaMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...