Winter
Pinagmasdan ko ng mabuti si Wayla. Maganda siya at mukhang hindi makabasag pinggan. Idagdag pa ang maganda niyang kasuotan, hindi mo iisipin na gusto niyang makipaglaban.
Uy rhyming yun ah.
Hehe.
Winter serious na.
Hindi ko alam kung ano ang kakayahan niya pero nararamdaman ko na malakas siya. Ano kaya siya, gifted, bearer o cursed?
"Pinag-aralan ko ang lahat ng tungkol sa'yo Winter..." Simula ni Wayla. Ang tapang ng mga mata niya.
"Alam ko kung paano ka makipaglaban, kung ano ang mga kaya mong gawin, kung paano ka mag-isip. Lahat-lahat."
"Wow. Tagahanga pala kita. Gusto mo ng autograph?" Sarkastiko kong tugon.
Puro dada!
"Ini-expect ko na magiging sarkastiko ka dahil ganyan ka naman talaga. Tulad ng sabi ko, kilala na kita kaya hindi magiging madali para sa'yo ang laban na 'to."
"Alam mo gurl kanina pa nangangati mga palad ko eh. Kung ayaw mong umatake, edi ako na lang!"
Alam ko na walang anyong tubig sa kinaroroonan naming sementeryo ngayon. Pero napapalibutan naman 'to ng mga damo. At ang damo eh may tubig.
Nag-focus ako. Kinontrol ko ang nararamdaman kong tubig mula sa mga damuhan na nakapaligid sa'kin. Kinuha ko ang tubig kaya naman nalanta at natuyo ang mga damo.
Pinalutang ko sa ere ang tubig. Unti-unti ko itong pinatigas at pinag-yelo hanggang sa maging ice spheres ang mga ito. Pagkatapos eh ibinaling ko kay Wayla ang tingin ko at pinabulusok sa direksyon niya yung mga ice spheres!
Hindi umalis si Wayla sa kinaroroonan niya. Sa halip eh may kung ano siyang sinulat sa ere gamit ang hintuturo niya. Ilang sandali pa eh may mga gintong linya ng liwanag ang lumabas mula dito.
Binasa ko ang nakasulat...
Sigfrid...
Huh?
Ang akala ko eh tatarak na yung mga ice spheres kay Wayla pero bigla na lang may sumulpot na lalaki sa harapan niya. May dala itong espada at shield. Walang kahirap-hirap nitong winasiwas yung mga ice spheres ko at yung iba naman eh pinigilan niya gamit yung shield niya.
Isang warrior?
Pero san siya nanggaling?
Wala naman siya dito kanina ah?
"Heneral Sigfrid, ang mahiwagang mandirigma ng Redilos." Sabi ni Wayla. Pinapakilala niya yung bagong dating.
Teka...
Redilos, ang kaharian ng pinakamahuhusay na mandirigma. Mahusay sila sa paggamit ng iba't ibang uri ng sandata tulad ng espada, pana, sibat at kung anu-ano pa.
Tiningnan ko si Sigfrid. Hindi ko maintindihan pero mukha siyang handang makipaglaban at mukha rin siyang wala sa sarili. Yung mga mata niya eh nagliliwanag pa na kulay green.
"Hahaha!" Narinig kong pagtawa ni Wayla habang nasa likuran siya ni Sigfrid.
"Sa tingin mo ba eh masasaktan mo talaga ako gamit ang mga cheap mong ice spheres? Haha!" Pambubuska niya.
"Heneral Sigfrid, ipakita mo sa hampaslupang iyan kung ano ang tunay na pakikipaglaban." Utos niya kay Sigfrid.
Tumango si Sigfrid at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ko. Iniwasiwas niya yung espada niya papunta sa leeg ko kaya mabilis akong yumuko. Nakaiwas ako doon pero masyado siyang mabilis.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...