Isang taon na akong nagsusulat at masasabi ko na everything is worth it. Lahat ng ito eh hindi magiging posible kung hindi ako nabigyan ni Absurd018 ng chance na sumulat ng version ng story niya one year ago. Kaya salamat Lodi! Petmalu ka talaga!
Gusto ko din magpasalamat sa lahat ng nagbasa ng Trilogy ko. Salamat sa pagtitiwala sa'kin. Hindi malinaw kung saang mundo ko kayo dadalhin pero pinili niyo pa rin na samahan ako sa paglalakbay na 'to.
Salamat sa mga nag-iwan ng star at comments! Sa lahat ng nag-share! Kahit na sobrang bagal ko mag-update, naghintay pa rin kayo. Katulad ng palagi kong sinasabi, wala kaming mga writers kung wala kayong mga readers.
Madaming nagsasabi na "bitin" daw yung story and mukhang "minadali". May mga missing parts at tanong na hindi nabigyan ng kasagutan.
Naiintindihan ko kayo. Pero ito kasi yung hinihingi ng story eh. Kaya kong sagutin lahat ng tanong niyo pero para sa'kin, mas maganda na iwanan muna natin ito sa ngayon. Makukuha niyo rin ang mga kasagutan sa itinakdang panahon. Haha.
Hindi ko alam kung ano yung susunod kong isusulat. Hindi ko din alam kung kailan ako makakabalik sa pagsusulat.
Pero babalik po ako. Sure 'yan.
Share your thoughts!
Popoy
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...
