Austin
Sa t'wing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang iyong tinig wari ko'y di marinig
Pagka't namamangha kapag kausap ka...Nandito ako ngayon sa isang napakagandang hardin. Kasama ko ang pamilya ko at iba pa. Ngayon ikakasal ang pinaka mahalagang mga tao sa buhay ko.
Si kuya Summer at kuya Eros...
At si Daddy at Papa...Double Wedding!!!
Kaya't nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong puso...Ako ang pinili nila na kumanta ng wedding song nila. Kahit na nahihiya ako dahil sa mga matang nakatingin sa'kin eh hindi ko na lang ito pinapansin. Kailangan kong galingan.
Habang kumakanta ay pinagmamasdan ko din ang mga tao sa paligid. Piling mga tao lamang ang nandito. Syempre lahat kami ay mahihiwagang nilalang.
Black and white ang wedding theme. Mula sa mga tuxedo at gown ng mga bisita hanggang sa mga disensyo at palamuti tulad ng mga bulaklak at iba pa, lahat ay pinagsamang itim at puti..
Simple but classy.
Tumayo silang lahat at humarap sa center aisle. Mag-uumpisa na!!!
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon
Ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang
Sa buhay kong ito
Pangarap ko...
Ang ibigin kaNakita ko si kuya Winter at kuya Maru na nakatayo sa simula nung aisle. Naglakad sila ng sabay. Ang gwapo nila sa suot nila.
Parehas silang may kulay itim na panloob at pinatungan ng kulay puting coat. Kulay itim din ang slacks at shoes nila tapos may kulay puting bow tie pa sa leeg nila. Couple goals talaga sila.
Habang naglalakad si kuya Winter ay nilahad niya ang dalawa niyang kamay. May namuong maliliit na ulap dito na nagpalutang lutang at pumunta sa magkabilang gilid ng aisle kung nasaan ang mga bulaklak. Ang galing kasi dinidiligan ng mga ulap yung mga bulaklak na dinadaanan nito kaya mas lalo itong tumitingkad!
Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling
At ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa
Ay iisa ang damdamin...Pagkatapos ay si Tita Iris at Tito Luigi naman ang naglakad sa center aisle. Kahit na may katandaan na ay ang ganda ganda pa rin ni Tita Iris. Bagay na bagay sa kanya ang kulay puti niyang gown na may design ng mga paru-paro.
Si Tito Luigi naman ay naka coat and tie din tulad ng karamihan. Yung necktie niya lang yung kulay puti sa suot niya. Tapos may suot pa siyang eyeglass kaya mas lalo siyang nagmukhang istrikto. Hihi.
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng iyong puso...

BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasíaMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...