Austin
Kakatapos lang ng double wedding nila Kuya Summer at Kuya Eros pati na rin nila Papa at Daddy. Ngayon naman ay nasa reception area na kami na para makakain.
Lahat ng nandito ay masaya para sa mga bagong kasal. Ang iba ay tinatanong sila kuya Winter at kuya Maru kung kailan ba sila magpapakasal pero matitipid na ngiti lang ang sinasagot nilang dalawa.
Botong boto ako kay kuya Maru para sa kuya Winter ko. Nakita ko kung paano niya inaalagaan noon si kuya Winter nung nabulag ito 2 years ago at doon ko rin napatunayan na mahal na mahal talaga niya si kuya.
Habang busy ang karamihan sa iba't ibang bagay tulad ng pagkain at pakikipag kwentuhan sa iba, heto ako at naglalakad palayo sa kanila. Naghahanap ako ng lugar kung saan ako makakapag-isa.
Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin. Napahinto ako sandali at saka nakakita ng kakaibang bagay na lumilipad-lipad sa himpapawid.
Pinagmasadan ko ito ng mabuti. Maliit ito at kulay puti na parang bulak....
Dandelion!
Umihip ulit ang hangin at tinangay ang maliit na piraso ng dandelion. Sinundan ko kung saan ito patungo.
Ilang sandali pa ay napadpad ako sa isang lugar kung saan tila mas maraming makukulay na bulaklak ang nasa paligid. Higit sa lahat ay maraming dandelions ang nandito!
Sa sobrang tuwa eh hindi na ko nagdalawang isip pa at pinuntahan ko na ang napakaraming bulaklak. Habang pinagmamasdan ang mga ito ay naalala ko bigla ang isang espesyal na lugar para sa'kin.
Ang Soleria.
Isang mahiwagang mundo kung saan tumutubo ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Dito rin naninirahan ang mga duwende, nimpa at iba pang uri ng mahiwagang nilalang.
Naaalala ko na doon kami minsan napadpad ni kuya Jasper pagkatapos kaming higupin ng isang mahiwagang portal noon. Sa Soleria rin namin nakaharap ang tiyuhin ko na si Tito Trevor at doon niya ako binawian ng buhay.
Mabuti na lang nabuhay ulit ako sa tulong ng Elatra. Hindi ko na sasayangin pa ang pangalawang buhay na binigay sa'kin.
Kahit na pangit ang alaala ko sa Soleria ay tinuturing ko pa rin ito na espesyal na lugar para sa'kin. Kung bakit?
Ito ay dahil kay kuya Jasper.
Nakakahiya man aminin pero nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Magmula kasi noong nabuhay akong muli eh nag-iba na ang pakikitungo niya sa'kin.
Palagi niya akong inaalagaan. Naging maalalahanin siya sa'kin lalo na sa mga kinakain ko. Palagi niya akong pinapatawa sa mga jokes niya.
Palagi niya akong sinasamahan na manood ng paborito kong cartoon show na Adventure Time. Minsan siya pa ang nagpapatulog sa'kin lalo na kapag nasa importanteng misyon si kuya Winter.
Dati naman bale wala lang sa'kin yung mga ginagawa niya eh. Naging kuya na rin ang tingin ko sa kanya tulad kay kuya Eros at kuya Maru.
Pero kay kuya Jasper ko lang nararamdaman yung pagiging abnormal ng tiyan ko kapag kasama siya.
Abnormal kasi parang may kung anong umiikot sa loob niya na nagpapahirap sa'kin na huminga at nagpapalambot ng mga tuhod ko. Parang gutom ako na parang busog. Parang washing machine, ganun.
Yun ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya.
Alam ko na maling tingnan dahil una eh parehas kaming lalaki. Pero ganun din naman sila Papa at Daddy, sila kuya Summer at kuya Eros at maging sila kuya Winter at kuya Maru.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...